Ika-limampu't pitong Alaala

101 20 9
                                    

Ika-limampu't pitong Alaala

+Masilayan Muli+

"Sino ka ba talaga?" ang huling tanong ni Ji dahilan para kasabay na kumabog ang dibdib ko.

Walang kahit anong lumalabas sa bibig ko. Bukod sa hindi ko kayang ipaliwanag kung sino ba talaga 'ko, ay hindi ko rin alam kung dapat ko na bang sabihin sa kaniya. Pero hindi. Hindi ko dapat sabihin... dahil malaki ang posibilidad na makaapekto 'yon sa kaniya.

"Ji, ako si Maxifina Jimia Fuentes. Ano pa bang aasahan mo? Ako'y hindi ordinaryong babae at alam kong alam mo din 'yon." Walang utal kong sagot sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya.

Titigan ko siya sa mata para makumbinsi ko siyang nagsasabi ako ng totoo. Totoo naman ang mga sinasabi ko, pero ang totoong ako ay dapat mapangalagaan ko sa sarili ko.

Nagbuntong-hininga si Ji at umayos ng tayo't tumingin sa barko na naglikha nang malakas na tunog para ipaalam na dadaong na ang barko sa pantalan. Wala nang kahit sinong nagsalita sa 'min at pinagmasdan na lang ang unti-unting paglabas ng mga tao sa loob ng barko.

Hindi ko maiwasan na hindi isiping makikita ko ulit si grandma'. Nagpakita siya kay Luego sa panaginip nito, para sabihin na muli siyang babalik? Pero para saan? Dahil na-miss niya si Luego? O para mas lalong magkagulo?

I can't think of her point.

"Si Promesa Fuentes ay ang lola ko, Ji." Panimula ko; he deserves to know who's she, wala naman akong nakikitang problema do'n, "...She's my grandma' from the future. In the year of 2090, she already died 2 years ago. And I don't have any clue about this—I don't either what's she looks like. But I'm sure Luego knew it, for sure." Dugtong ko.

"Bakit? Dahil siya ang babaeng iniibig ng aking tiyo?" he asked without looking at me.

"Yeah. To tell you the truth, my grandma' first goes here—in the year before I goes here. Sa mga oras na 'yon, nakilala niya si Luego... at ang pagsasama nila ay parang gaya din natin; pero hindi alam ni Luego kung sino ba talaga si grandma', noon." Sagot ko.

"Bakit naman pupunta dito ang lola mo?" bumangong tanong ni Ji.

"Pumunta siya dito para malaman ang misteryo sa dugo namin. And she did it. But she fall in love with Luego... without knowing Luego falling in love with someone who can't able to be with him for his whole life." Saklap, "...At matapos makabalik ni grandma' for the present time, she manages all of it to past with me. That's why, napunta ako dito. She gave me a responsibility I've never expected." Pagtatapos ko.

Naging tahimik na lang ang buong paligid dahil sa mga sinagot ko. Dinama na lang namin ang hangin na humahampas sa 'ming dalawa. At sabay na pinagmasdan ang mga daloy ng tao. Wala pa akong nakikitang—literal akong natigilan.

Isang magandang babae ang aking nakita. Ang kaniyang kayumangging buhok na nakalugay ay bahagyang inaangat ng hangin ng dalampasigan. Ang kaniyang baro't saya ay sumasakto sa ganda niya. Ngunit isang mamahaling mga pulang bato ng peineta ang nasinagan ng araw at naglikha ng kislap na nakakasilaw.

Lumaki ang mga mata ko sa nakikita. Ang mga nakikita ko lang sa mga pictures ng albums sa future ay totoo ko na ngayong nakikita... ang maganda kong grandma'. Oh, goddammit. Lola na ba talaga 'to? She even look like a 20 years old! O baka 20 talaga? I don't know. Ito ang patunay na wala akong pake sa kaniya.

Sinalubong siya ni Luego. Ngumiti siya dito't nagbigay ng pagbati. Kita sa dalawa nilang mga mata na nais nilang magyakapan tulad ng ginagawa namin ni Ji sa tuwing magkikita kami... pero kailangan nilang pigilan ang mga sarili nila dahil mahuhuli sila.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon