Ikapitong pu't limang Alaala

99 8 0
                                    

A/N: As for celebrating the 10k reads of ITY1893, I decided to publish this. Sorry for a long wait! Outlining and deciding the events always taking a long, long time. Nanonood/nagbabasa din ako ng mga anime, webtoon, manga when the "writer's block" visit me (darn it). So, yeah. I hope you guys enjoy this chapter!

_______________

Ikapitumpu't limang Alaala

+Maskara+

Disyembre. 26, 1892. 4:00 PM.

Itinaas ko ang telang magsisilbing takip sa mukha ko. Gumilid at tumingin kami sa pader ng Intramuros, na may taas na 6 meters, sa mismong labas ng Kutang Santiago. Huminto kami sa isang side at tinitigan ang itaas ng pader; nakita namin ang tatlong guardia civil na mga nagkukuwentuhan.

"Kay sarap tanggalin sa trabaho ng mga ingay lamang ng mga bibig ang ambag, ano?" tanong ni Diana habang kumukuha sa bulsa niya ng tatlong bala ng tirador niya.

"Ate Diana, sigurado ka po bang ang mga naimbento mong isalo sa mga bala ng tirador?" paninigurado ni Diego.

"Siyempre. Salamat at napukaw ang interes ko sa mga halaman na may mga tago palang kakayahan. Dahil doon, mas nagkaro'n ako ng mga talento sa paggawa ng mga gamot." inihanda ni Diana ang isang bala at pinusisyon 'to sa tirador.

"Ang katas ng dahong Valeriano ay may kakayahang magpatulog ng isang tao. Ito'y halamang gamot na tumutubo sa Asya at Europa, madalas itong ginagamit sa ilang mga sakit at iniinom para makatulog. Hindi ko pa nasusubukan sa tao kung ang katas nito ay makakapagpatulog kung direkta ko itong ibabaon sa mga balat nila... pero nakakasigurado ako-—buo na ang isip ko." pagpapaliwanag ni Diana.

(A/N: Valeriano – Eng.; Valerian. For saying the truth, hindi ko po alam Tagalog ng Valerian.)

Malamang na ibinabad niya sa Valerian ang mga bala ng tirador bago ito isinabak dito. Tama ang lahat ng sinabi niya, pinag-aralan niya nang mabuti ang mga halaman. Inunat niya ang isa niyang braso at hinawakan nang mabuti ang dulo ng maliit na palaso. Itinapat niya 'yon sa nasa gilid na lalaki.

She's aiming for the weakest part... the nape.

Ipinikit niya ang isa niyang mata para matukoy niya nang maayos ang patatamaan niya. "Ayon," saad niya at pinakawalan ang maliit na palaso. Kitang-kita namin kung pa'no tumama 'yon sa batok ng isang lalaki.

Napadaing ito, pero bago pa maka-react ang dalawa pang lalaki sa nakita nila sa kasama ay pinatumba na kaagad sila ni Diana sa sunud-sunod na pagkakawala ng dalawa pang bala ng tirador. Narinig naming apat ang pagkakabagsak nilang tatlo.

Alam kong hindi pa talaga umeepekto ang Valerian sa kanila pero paniguradong umiikot na ang paningin nila't mamaya-maya lang ay mahimbing na ang pagkakatulog nila. Tumingin ako kay Diana na nakangiti ang mga mata.

"Mahusay ang ginawa mo, Diana." puri ko.

"Salamat, Maxifina."

Inihagis na ni Diego ang isang hook na may lubid. "Kailangan na nating akyatin ito habang wala pang ibang rumeresponde." paalala ni Diego kaya naman nagsimula na kaming umakyat.

Gaya ng plano, nahati kaming walo (8) sa dalawang grupo. Sa grupong kinabibilangan ko, si Ji ang tanging gumagabay sa 'min papunta sa tiyak na lokasyon ng tatlong Sakti. Binubuo kami nina Diego, Diana, Ji, at ako; sa kabilang grupo naman, binubuo sila nina Delano, Savannah, Hebron, at Linda.

Magkahiwalay kami upang kung isa man sa dalawa naming grupo ang mahuli, mauukol ang atensyon sa kanila at ang isang grupo ay ipagpapatuloy kung ano ang orihinal na plano namin-—itakas ang tatlong Sakti.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon