Ikatatlompung Alaala

140 31 0
                                    

Ika-tatlompung Alaala

+Hingin ang Patawad+

10:44 PM. Pebrero. 24, 1892.

Umiiyak pa rin ako dahil sa mga nangyayari. Nagkaroon ako no'n ng takot na masampal dahil sa mga nangyari no'ng mga kahihiyan...

Stuff that I don't want to remember anymore...

Pero napatingin ako sa bintana ko ng may biglang bumato ng bato. Kaya imbis na umiyak ako, nahinto ito, at takang tinignan ang bintana na kasalukuyang bukas pa rin.

Muling may nagbato kaya napatayo na ko mula sa kama, at dahan-dahan na pumunta sa may bintana. Pero hindi pa ko umaabot do'n ng may biglang nagbato ng mas malaking bato na may nakabalot na sulat.

Lumuhod ako para kunin 'yon. Sino kayang lokong trip na mang-bato ng bahay? Kaasar ha. Binuklat ko ang sulat at binasa.

Ayos ka lang ba, binibini? Bibisita ako d'yan ngayon. Kaso nga lang, baka mabigla ka't mapasigaw... kaya nagpadala muna ko ng sulat para mapag-alaman mo na bibisita ako...

- J.R.L

Napatayo kaagad ako, at pinunasan ang mga luha ko sa mata. Ibinulsa ko naman kaagad ang sulat, at tumingin sa bintana. Nilibot ko pa ang paningin ko... pero wala kong makita.

May nakikita pa kong naglalakad-lakad na mga guardia personal, pero umaalis din naman. Siguro, muntik na siyang mahuli ng isa sa mga guardia personal.

"Ji! Ji! Nand'yan ka ba?" Halos pabulong kong sigaw habang inilalapit ang mukha ko sa ibaba habang mahigpit na nakakapit sa bintana.

"Binibini! Narito ako!" Narinig kong halos pabulong na sigaw ni Ji mula sa kumpol na mga halaman. Sa hindi mapaliwanag na dahilan napangiti ako.

Loko talaga...

"Ano? Aakyat ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya na may dalang mga lubid.

"Oo, binibini. Kung maaari... maaari mo bang saluhin ang lubid na ihahagis ko?" Tanong niya habang inaayos ang pagkakatali ng mga lubid para ihagis sa 'kin.

"Sure." Sabi ko. Bigla naman niyang hinagis sa taas ang lubid dahilan para masalo ko, hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa lubid.

"Binibini! Hawak mo na ba?" Narinig kong sigaw ni Ji.

"Oo."

"Kung ganoon, higpitan mo ang pagkakahawak ah? Aakyat na ko." Sabi ni Ji sabay kong naramdaman ang biglang pagbigat ng lubid. Ipinulupot ko naman kaagad ang lubid sa pulsuhan ko which is masakit.

K*ngina naman 'tong si Ji! Na bobo na rin ba siya? Ang sakit kaya!

Hindi nagtagal, nakita ko naman kaagad si Ji na umaakyat sa bintana. Ngiting-ngiti pa siya, kaya hinayaan ko na lang-kahit sobrang namamanhid na ang mga pulsuhan ko.

Bumaba naman siya, at nakatayo na sa silid ko. Lumapit siya sa 'kin, at kinuha ang lubid mula sa kamay ko, pero natigilan siya nang makita ang mga sugat ko sa mga pulsuhan ko.

"Binibini? Bakit ka may mga sugat? Halika, gagamutin ko ang mga iyan." Sabi niya sabay hila ng marahan sa kamay ko paupo ulit sa kama ko.

He kneel in front of me, and take my hand. Parang biglang nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa niya.

(≧-≦)

Naglabas mula sa Watch 900 niya ang mga gamot. Marahan niyang nilinis ang sugat ko dulot ng mahigpit na pagkakahawak ni Don Francisco/ama sa 'kin kanina.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon