Ikaapat na pu't pitong Alaala

114 24 0
                                    

A/N: Nawa'y magustuhan niyo ang bagong update! Sinusubukan kong magsulat, pero sadyang busy talaga... hope ya'll understand!

Lab u all, 'Tolnians! :*

Ikaapat na pu't pitong Alaala

+Ipaalam+

Mayo. 05, 1892.

Ngumiti ako kay Ji na nakasibangot na nakatingin sa 'kin. Alam ko namang ayaw niya talaga ang idea ko na mag-imbestiga ng madaling-araw, pero hindi ko kasi mapigilan ang curiosity ko, e.

Medyo magulo ang buhok niya dahil sa kakagaling niya lang sa pagre-review para sa upcoming exams niya, at inabala ko pa siya. Makokonsensya ako? Hindi. Bakit? Dahil alam kong mas magagalit siya kapag kumilos na naman ako ng mag-isa.

"Ji, ready ka na ba? Aalis na tayo." Paalala ko sa kaniya habang invisible kaming naglalakad.

"Kasalukuyan na tayong naglalakad, binibini." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Pilosopo." Huminto ako sa paglalakad dahilan para huminto din siya. Iniharap ko sa 'kin ang Watch 1000, t'yaka may lumabas na hologram na may bilog na iba't iba ang kulay.

"...Tinanong ko 'yon dahil magte-teleport na tayo kung saan ko nilagay ang Mini Detector, sa box kung saan naglalaman ng dalawang bangkay." Dugtong ko habang nakatitig sa kaniya sa pagitan ng hologram sa harap naming dalawa.

"Ahh, ngayon... saan na tayo tutungo? At bakit napakaraming bilog?" tanong ni Ji, patukoy sa mga iba't ibang kulay sa hologram.

"Ang mga 'yan ay bawat Mini Detector ko, o ang iba naman ay mga CCTV's." sagot ko, pero nakangunot-noo niya lang akong tinignan.

"Ano ang Miney Detectore? At CCTV'ies?" tanong niya.

"Ah, basta! This is not the time for that, sa susunod ko na lang ipaliwanag? Okay ba 'yon sa 'yo, Ji?" tanong ko sa kaniya.

"Sige."

Matapos 'yon, kaagad kaming nag-teleport sa isang lugar... madilim at puno ng hamog ang buong paligid. Bukod pa do'n, mukhang may malapit na ilog dahil sa naririnig naming agos ng tubig. Nilibot ko pa ang paningin ko, at t'yaka ko napag-alaman na nasa gubat na kami; sa laki at puno ng mga lumot ang bawat katawan ng puno.

"Binibini..."

"Bakit?"

"Mayroon ka bang nagbibigay liwanag d'yan?" tanong ni Ji na nararamdaman kong nasa gilid ko, kaya nilihis ko naman ang katawan ko para makaharap siya.

"Ako." I answered.

"Sa buhay ko, ngunit hindi sa kadiliman ng paligid. Kaya kakailanganin natin ng liwanag." Saad niya.

"Grabe naman, hindi ka naman mabiro. Ito na... flashlight." Pagkautos ko no'n sa Watch 1000, may dalawang flashlight kaagad ang nasa kamay ko. Inabot ko sa kaniya ang isa, at hindi na nakakataka kung tignan niya 'to ng may pagtataka.

"Ano ito?"

"Ilaw."

"Ngunit... paano?" tinignan niya ang buong katawan ng flashlight at parang may hinahanap, "...Wala naman akong nakikitang kandila o gasera na magpapailaw sa bagay na ito, kaya papaano mangyayari iyon?" tanong ni Ji dahilan para mapakagat ako sa ibabang labi ko.

Pinipigilan kong matawa dahil baka ma-beast mode ang kasama ko.

"Ano ka ba? Gan'to lang gagawin mo." Sabi ko sabay tapat ng isa kong daliri sa switch ng flashlight, "...Itataas mo lang 'to para magkaro'n ng ilaw." Turo ko pa kasabay nang pag-ilaw ng flashlight.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon