Ikadalawampung Alaala

203 40 4
                                    

Ikadalawampung Alaala

+Palacio de Malacañan+

3:00 PM. Pebrero. 05, 1892.

Oo. Hapon kami pinapunta dahil mamayang seven talaga ang start ng party. Kasabay ko ngayon ang dalawang magulang ko sa panahon na 'to papasok sa sinaunang Malacañan Palace.

Ang Palasyo ng Malakanyáng ay opisyal na tiráhan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang pangalan mula sa pananalitang 'May lakan diyan' dahil dating nakatira dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa ito naging tirahan ng punong tagaganap ng bansa.

Matatagpuan sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila. Tumutukoy sa opisyal na tirahan ng pangulo ang 'Palasyo ng Malakanyang' samantalang tumutukoy ang 'Malakanyang' sa tanggapan ng pangulo, at pang-araw-araw na pagtutukoy ng medya.

Ipinapakita ito sa verso (likod) na bahagi ng 20-pisong salapi. Ang dating pangalan ng palasyong ito ay Palacio de Malacañan.

Itinayo ang orihinal na gusali noong 1750 ni Don Luis Rocha bilang bahay pahingahan sa tabi ng Ilog Pasig. Binili ito ng estado noong 1825 bílang tirahan ng Gobernador-Heneral ng Espanya tuwing tag-init.

Yayamanin!

Hindi talaga 'to magiging opisyal na tirahan ng mga Presidente hanggang sa panahon ko kung hindi lumindol. Letsugas na lindol 'yan. Matapos wasakin ng lindol ang Palacio del Governador sa loob ng Intramuros noong Hunyo 3, 1863, ginawa itong opisyal na tirahan ng Gobernador-Heneral.

Now you know?

Matapos masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1898, ginawa din itong tirahan ng mga Gobernador ng Amerika, simula kay Heneral Wesley Merritt.

Nakitira pa talaga... char.

Kinalaunan, noong nagsarili ang Pilipinas, naging tirahan ito, at tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Marami ring mga pagbabago na ginawa sa lupain ng Malakanyang simula ng 1750, kabilang na ang mga pagpapalawak sa loteng ito, at sa pagpapagiba at pagpapatayo ng iba pang mga gusali.

Pero sa mga nakikita ko ngayon, original pa 'to, at wala pa silang ginagawang ibang pagbabago. Madaming tao ang nakikita ko sa bawat sulok. May mga hawak silang wine glass na may lamang wine.

Sosyal! Naks naman.

Pumunta naman kami sa harap ng mag-asawa. May bigote si Manong. "Maxifina, siya ang ating Gobernador-Heneral..." bulong sa 'kin ni Doña Besalinda/ina. I nod.

Lalo pa silang lumapit sa Gobernador-Heneral. Ngumiti siya sa amin, at nginitian din namin siya. "Magandang hapon po, Gobernador-Heneral." Bati ni Don Francisco/ama.

"Magandang hapon din, Don Francisco. Nakakatuwang tumugon kayo sa aming paanyaya para sa aming anibersaryo ng kasal ng mahal kong asawa."

"Tutugon po talaga kami, Gobernador. Isang malaking karangalan na mabati kayo sa inyong kasal." Nag-shakehands pa sila.

Ang Gobernador-Heneral ang kinatawan ng Hari ng Espanya, at pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral na nakatalaga sa Pilipinas. Karaniwang opisyal ng isang militar ang itinalaga sa posisyong ito.

Ito ay dahil sa kakayahan niyang gampanan ang tungkuling mamahala sa pamahalaan, gayundin ang manguna sa mga gawaing panghukbo sa kolonya.

Bilang pinakamataas na pinunong Espanyol na nasa Pilipinas, taglay niya ang kapangyarihang panghukuman, at panrelihiyon, at hawak ang tatlong gampanin sa pamamahala:

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon