Ikadalawampu't apat na Alaala

157 35 1
                                    

Ikadalawampu't apat na Alaala

+Agresibong Anggulo+

Pebrero. 12, 1892.

Bumangon na ko mula sa pagkakahiga sa kama, at ginalaw-galaw ang balika't braso ko. Nanakit kasi. Naloloka na nga ako kagahapon dahil sa Minito at Buto na 'yon—pinaglinis pa ko ni Zerra ng mansion nila!

Oo, wala na kaming napuntahan pagkatapos no'n. WALA NA! Ang totoo talaga, hindi talaga siya pinayagan ng AMA niya kasi gusto ng ama niya na maglinis siya.

At ako namang utu-uto na sumama pa sa kaniya.

Kaya nauwi ang buong maghapon ko na naglilinis sa mansion nila. Ang nakakaasar pa, ang dami naming nilinis. Ultimo mga agiw sa kisame, pagwawalis ng labas at loob ng mansion nila, paghuhugas ng plato, atbp.

Kaya ang resulta, nananakit ang katawan ko. Esushme, nakakangalay kaya mag-agiw ng mataas na kisame! Kaloka! Kaya pag-uwi ko, sabog-sabog ako. Napaghahalataan tuloy na hindi ako naglilinis.

Ibang mansion, nalinis mo? Kumusta mansion niyo?

Tumayo na lang ako ng maayos habang ginagalaw ang braso ko. Naligo't nag-dress exchange na din ako ng nakababa na ko mula sa silid ko. At gaya ng dati, ako lang mag-isa dito sa Hacienda.

Sinalubong ako ni Melissa na abala sa paglalagay ng mga kakainin ko sa hapag. At dahil ako lang mag-isa, sa pwesto ko lang nilagay ang almusal. Umupo ako, nagsimulang kumain.

Iniisip ko tuloy 'yong mga pwede kong gawin habang wala ang mga magulang ko sa panahon na 'to... eh kung puntahan ko na lang kaya 'yong Charito na 'yon?

Mas maganda! Mafia ang peg ko ulit!

"Binibini?" Napatingin ako sa gilid ko, at bumungad sa 'kin ang isang babaeng nasa mid-50's na. Lagi ko 'tong nakikita ah? Pero hindi ko napapansin masyado.

"Bakit?"

"Binibining Fuentes, ako po ang Mayordoma ng mansyon na ito, at kung iyong mararapatin, bakit po kayo wala kahapon? Hindi ko tuloy kayo nakausap." Sabi niya habang nakayuko.

Siya pala ang Mayordoma ng Hacienda Fuentes habang wala ang mga magulang ko sa panahon na 'to.

"Iangat mo ang iyong ulo, anong pangalan mo?" I asked casually.

Inangat naman niya ang ulo niya, at nakita ko ang medyo may pagka-morenang may mga wrinkles sa noo. Pero maganda pa rin naman siya.

"Ang pangalan ko po ay Sara, ang inyong Mayordoma, binibini." I nod.

Maganda ang pangalang 'Sara,' pero masyadong common name sa modern world. Pero I think, bagay naman sa kaniya. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa may naisip ako.

Hindi ko pa nga pala nasasagot ang tanong niya.

"Sara, kung tungkol sa tanong mo, tinulungan ko lamang si Zerra'ng maglinis ng mansyon nila kahapon." I answered. She nod.

"Ganoon po ba, binibini? Mabuti naman po. Ipinagbilin din po kasi nila Doña Besalinda at Don Francisco na bantayan ko po kayo. Marahil ay naghahanda na ang pamilyang Severa para sa nalalapit na kaarawan ng dalawa nilang binata."

Natigilan ako sa sinabi ni Sara.

"Teka, kaarawan ng kambal it—este nila ginoong Arnesto at Antonio?" I asked out of curiosity. She immediately nod at me, and smile at the same time.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon