Ikalimampu't anim na Alaala

107 19 3
                                    

Ikalimampu't anim na Alaala

+Opisyal+

7:00 PM. Hulyo. 28, 1892.

"Binibini, naririto na po tayo sa Hacienda Loperaza." Sabi ni kuya, kaya kinakabahan akong tumitig sa gate ng mansyon.

Bumaba ako ng kalesa na kinakabahan pa rin sa dibdib. Pa'no ba naman kasi, na-me-mental block ako. Ang galing mong chamba, 'no? Nakayuko lang ako habang naglalakad papunta sa harap ng front door. Tinutuktok ko na rin ang ulo ko para makatulong kahit papa'no.

Mag-isip ka, Maxifina!

Kakapasok ko palang sa front door, maraming tao ang sumalubong sa 'kin kahit hindi sila mga nakatingin sa 'kin. Punong-puno ng mga mahahalagang tao na may magagarang suot. Ang iba ay hindi ko kilala, pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang grupo ng mga taong natatangi ang mga damit.

Ang damit nila ay mula pa sa France dahil sa mga Victorian styles ng mga damit nila. Ang lahat ng 'yon ay iisa lamang ang mga kulay, puti at burgundy. Sa totoo lang, apat lang sila. Ang dalawang pares na mukhang matatanda ay kahawig ni Don Maldicion.

Ang ikalawang pares naman ay halos kasing-edad lang ng nauna. Hindi kaya, sila ang mga lolo nila Ji sa side ni Don Maldicion? Sa tingin pa lang, mukhang mga strikto na sila sa pagpapamilya.

Nakatanaw lang ako do'n, hanggang ang isang matalim na mata ang natagpuan ko mula sa grupo na 'yon. Kumabog ang dibdib ko't napatalsik dahil sa malakas na p'wersang tumama sa 'kin habang naglalakad ako.

Sa pagtalsik ko, ako'y napatilapon sa lapag dahilan para gumilid kaagad ang mga tao't pagtinginan ako. Hinimas ko ang balakang ko dahil sa masakit na pagbagsak.

Umay, gandang timing nga naman.

"Binibini? Ayos ka lang ba?" tumingala ako kay Arnesto na nakatanaw sa 'kin at nakalahad din ang kamay.

"Oo, medyo ayos pa naman," pero kinakabahan talaga, sa totoo lang. Sagot ko kasabay nang pagtanggap ko sa kamay niya para makatayo ako.

"Mukhang balisa ka, binibini. Ano ba ang iyong iniisip?" tanong niya sa 'kin.

"Tsk. Bukod sa wala akong maisip na mairegalo kay Ji, hindi ko alam kung anong meron sa 'ki't masama akong tinitignan ng matanda na 'yon." Saad ko kasabay nang paglingon sa matandang babae.

"Ang matandang ginang na iyan, binibini, ay si Doña Calmera Loperaza at ang katabi naman niya ay si Don Decoreno Loperaza, sila ang mga magulang ni Don Maldicion. Ang kasama naman nila ay ang kapatid ni Don Decoreno, si Don Secario Loperaza at ang kaniyang may-bahay na si Doña Salbaste Loperaza." Tumango-tango ako habang nakikinig kay Arnesto.

Pangalan palang nila, halatang mga royal family talaga sila. Walang patama ang dugo ko na isinumpa ng kanilang panganay na anak.

Habang nakatitig sa kanila, isang tanong ang lumutang na nagdulot ng kalungkutan sa 'kin.

P'wede kayang magsama ang dugo ng manunumpa at ng dugo ng kanilang isinumpa?

"Binibini?"

Yumuko ako matapos makumpirma na imposible 'yon. Maaaring mapahamak ang mga nakapaligid sa 'min. Pero anong gagawin ko? Ako pa lamang ang natatanging Fuentes na may bahid ng sumpa. Si okasan ay hindi taglay ang sumpa dahil taga-pasa lang siya no'n mula kay dad.

"Binibining Maxifina?" tumingin ako kay Arnesto na nagsasalita sa tabi ko't tinatawag ang pangalan ko, "...Hindi nga ako nagkamali na malalim ang iyong iniisip." Dagdag niya.

"Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Wala lang, binibini. Masaya akong isipin na ika'y sa wakas na nahulog kay Ji." Saad ni Arnesto kaya taka ko siyang tinignan.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon