Ikatatlompu't isang Alaala

157 29 0
                                    

A/N: Happy 2K READS!!! 🎉🎉🎉 I'm so glad na parami ng parami ang mga nagbabasa ng story na 'to na totally come from my heart-'yon naman.

So, 'yon na nga... kung napapansin niyo, sinisikap ko talagang laging mag-UD para hindi na rin kayo magreklamo. But best wishes for all of you!

AND TANK YOU! <3

______________

Ikatatlompu't isang Alaala

+Paghigpit ng Pamahalaan+

Marso. 01, 1892.

Kahapon lang kami nakarating dito sa Maynila, at gabi pa kaya naman natulog kaagad kami ni madam Victoria. Kakatapos ko lang magbihis at maligo. Nandito ako ngayon sa silid naming tatlo nila Fiona-kaso kasi, wala pa sila. Baka mamaya pa ang dating nilang lahat mula sa San Aprosa.

Napatingin ako sa may pinto ng may biglang kumatok. Binuksan ko naman kaagad, pero taka akong tumingin sa kanilang tatlo-si madam Victoria, Cristina, at Teresa na may mga dalang bayong.

Ano naman kaya ang trip ngayon ni Tanda?

"Madam Victoria? Bakit po, inang madre?" Magalang kong tanong.

Wow naman. Minsan lang 'yan.

"Sasamahan niyo akong tatlong mamalengke, maliwanag? Mamayang gabi, mawawalan na tayo ng ilang pampalasa at iba't ibang rekado sa kusina ng ating paaralan. Kaya mamalengke tayo, binibining Castillo at binibining Barton, siya naman si Maxifina mula sa bayan ng San Aprosa." Pakilala sa 'kin ni Tanda, nginitian naman nila ko kaya nginitian ko din sila.

"Ikinagagalak kitang makilala, binibining Fuentes. Sa totoo lang, kilala ka na namin dahil naging kilala ang iyong pangalan noong manalo ka sa paligsahan ng mga instrumento't pagkanta." Sabi ni Cristina. Tumango naman ako.

"Ganoon ba? Ikinagagalak kitang makilala, ngunit pwede mo na kong tawagin sa Maxifina." Sabi ko. Kailangan kong uma-cting na hindi ko silang kilalang dalawa.

"Oh, sige, Maxifina. Pwede mo naman kaming tawagin ni Teresa sa Cristina't Teresa na mula sa bayan ng San Felipe." Pakilala ni Cristina kaya nginitian ko din sila.

Matapos ang pakilala sa isa't isa bumaba na kami sa hagdan, pero ngayon ko lang napansin na maraming mga guardia civil ang nakapaligid kahit sa'nman ako tumingin. Bakit kaya? Hindi na ko nagtanong kasi baka hindi din masagot.

Hindi na lang namin pinansin 'yon, at ngayo'y nakasakay na sa kalesa. Hindi ko alam kung bakit ba kami nandito ni madam Victoria kasama ang dalawang 'to... pero nahahalata kong may kakaiba.

And that thing I should know.

Naging tahimik kaming apat hanggang nakasakay sa kalesa. Hindi naman may gustong magsalita kasi baka takot sila kay Tanda... tss. 'Yan? Matatakot ka? Hatdog!

Tumawid naman kami sa kilalang 'Bridge of Spain' or 'Puente de España.' Pero bago nawala ang tulay na 'to, dahil sa nawasak no'ng World War II, at sabihin na nating pinalitan ng Jones Bridge, ay ito ang history ng Bridge Of Spain ayon sa nabasa ko.

Ito ang pinakaunang tulay na nagtatawid sa mga tao sa panahon na 'to sa ilog Pasig, ang Puente Grande, na unang binuksan noong 1630 sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol-ang tulay na gawa pa lang sa mga kahoy.

Pero sinimulan 'tong ipagawa at gawing bato noong 1626 sa ilalim pa rin ng mga Espanyol, pero sa pamumuno ng bagong Gobernador-Heneral na si Fernardo de Silva. Ang tulay ay naging nagdudugtong para sa mga negosyo sa Binondo, para ang paghahatid ay mas mapadali kaysa sa dati.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon