Ikapitong pu't isang Alaala

163 20 1
                                    

A/N: HAPPY 7.38K READS, ITY1893!!

Last update ko it was 6.01k, but after of 3 weeks? Hehe nag-7k! Thank you ulit kahit medyo matagal 'yong update ko!

–Seruleans💙
(P.s. all of the reason why I ended up like this is on the last part of this chapter. I don't satisfied myself if I don't tell everyone)

__________________

Ikapitong pu’t isang Alaala

+Tsokolate+

Disyembre. 21, 1892.

Kakadaong lang ng barko na sinasakyan namin mula sa pantalan ng San Aprosa dito sa pantalan ng Maynila. Ayon sa naganap na pagpupulong ng mga matataas na hukom ng mababang hukuman ang kasong ito ni Vogar ay nararapat na ilipat na sa mataas na hukuman… Audiencia Territorial de Manila o ang Real Aundiencia.

‘Yon ay isa sa mga sikat na hukuman dito sa Maynila na dumidinig ng mga kaso. Hindi lang dahil napagdesisyonan ito ng mga matataas na hukom, malamang na kasama do’n si Don Maldicion/ama. Ang mga matang ‘yon ni Don Maldicion/ama ay makikitaan ng pagkamuhi’t desidido sa ginagawa.

Bilang Gobernador Cillo, siya ang nag-approved na dito na dalhin si Vogar. Nang kinausap ko naman si Ji tungkol do’n, hindi siya nagsasalita. Hindi ko naman siya mapilit magsalita dahil baka may iniisip na naman siya. Ang mga miyembro din ng Erres ay kabilang sa Kutang Santiago bilang mga bihag at testigo na rin. Maging si kuya Mateo ay nakabihag pa rin pero nagsalita siya sa ‘ming dalawa ni Ji na tetestigo din daw siya.

Sa araw bago kami pumunta ng Maynila, magkasama namin ni Ji’ng kinausap ang mga maaaring maging testigo para kay Vogar. Nagtagumpay naman kami—sa isa… marami kasing natatakot pa rin sa mga Reyes at ayaw magsalita. Hindi namin sila masisisi.

“Maxifina, ayos ka lang ba?” narinig kong tanong sa ‘kin ni Doña Besalinda/ina habang naglalakad kami pababa ng barko.

Tumango ako. “Oo naman po, ina.” Sagot ko.

Tinaasan ako ni Doña Besalinda/ina ng kilay. “Talaga ba? Naku, Maxifina. Kitang-kita sa mga mata mo na nag-aalala ka para kay Ji. Ayos lamang kung magsalita ka sa akin.” Saad ni Doña Besalinda/ina.

Tinitigan ko si Doña Besalinda/ina ng mabuti. Kilalang-kilala na niya agad ako sa pamamagitan lang ng pagtitig sa mga mata ko. Napasinghap na lang ako’t yumuko.

“Nag-aalala po talaga ako kay Ji. Sa bawat tanong ko hindi siya sumasagot. Hindi ko siya mabasa.” Pagtatapat ko sa totoong nararamdaman ko at sa paglalakad namin papunta sa sasakyan naming kalesa.

“Hmm… baka naman nais niyang sabihin ngunit hindi niya alam kung kailan. Mahirap iyon para sa kaniya, kaya ang maipapayo ko ay hintayin mong magsalita siya sa totoo niyang nararamdaman. Hirap ang pamilya nila ngayon, lalo’t sasabak na naman tayo sa panibagong kaso—laban kay Don Vogar. Kaya hintayin mo lang siya.” Nakangiting payo sa ‘kin ni Doña Besalinda/ina, wala naman akong ibang ginawa kun’di ang tumango na rin sa kaniya.

“Sisikapin ko po. Salamat, ina.”

¤¤¤

9:00 PM.

Iniabot sa ‘min ni Arnesto ang papel na ‘to. Nakalagay na kung anong oras bukas gaganapin ang pagdinig sa kaso ni Vogar. Nandito kami ngayon sa isang silid sa Kutang Santiago kung sa’n pansamantalang nakakulong si kuya Mateo at mga Erres.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon