Chapter Fifty Seven

303 16 8
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Fifty Seven
.
.
.
Maugong pa rin ang balita tungkol sa babaeng kasama ni Clark sa campus ilang araw na ang nakakaraan. Hindi ko man sadyaing hanapin ang mga tweets tungkol doon ay hindi ko maiwasang makita kasi halos buong araw kaming trending online hindi lang sa Philippines kundi pati na worldwide.

Nag-viral din ang mga photos namin ni Clark habang palabas ng campus. Sobrang naintriga sila kung sino ba daw ako at ano ako ni Clark.

Kahit sa newsfeed ko sa Facebook mukha ni Clark ang bida, buti na lang talaga at hindi kita ang mukha ko doon sa mga pictures.

May mga kaibigan na rin akong nagtatanong kung ako ba 'yon. Buti na lang lahat silang nakakilala sakin ay alam na ang kwento ko at hindi kami ibubuko sa mga reporters.

Lagpas isang linggo na ring nagsi-stay sa bahay ko si Clark. It's still weird to have him here pero parang nasasanay na ako. Which is bad. I shouldn't get used to this. Aalis din siya. He chose to listen to me and leave. Sino ba ako para maghangad pa ng kahit ano mula sa kanya?

--

It's three in the afternoon.

Kasalukuyang nagsi-siesta si Clark sa kwarto ko. Medyo naging antukin kasi siya dala ng mga gamot na iniinom niya araw-araw. So I just let him rest whenever he felt like it.

I was trying to compose a song in the living room when I heard the doorbell ring.

Sinilip ko kung sino ito.

Si... Lexi?

Ano namang ginagawa niya dito?

Hindi ko alam kung pagbubuksan ko ba siya o dededmahin dahil hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa ginawa niya noong huli kaming nagkita.

Pero hindi siya tumitigil sa kaka-doorbell kaya binuksan ko na bago pa magising si Clark.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, wala nang paligoy-ligoy pa.

"Wala man lang hi-hello? Ganyan ka na ba talaga kahit sa dating kaibigan, Sky?"

"Sabihin mo na kung anong gusto mo. Busy ako."

"You're not gonna invite me in?"

Tsk. Demanding ng loka. Si Clark ba ang any amnesia o eto? Parang walang nangyari ah.

"Hindi," simple kong sagot. "Kung may sasabihin ka. Dito mo na sabihin."

She huffed. "Totoo ba?" Itinaas ko ang kilay ko bilang pagtatanong. "Totoo bang nagkabalikan na kayo ni James?"

I rolled my eyes. "Si Clark pa rin talaga ang pakay mo hanggang ngayon, noh? Hindi ka ba nagsasawa?"

"I saw the pictures, Sky. Alam kong ikaw 'yon. Laman na kayo ng mga balita. Hindi ka man lang ba nahihiya?" she asked, crossing her arms.

"Hah? Bakit naman ako mahihiya?"

"Ang alam ng lahat kami ni James. Kami! Akala ko ba tuluyan na kayong naghiwalay? Bakit after niyang maaksidente nandyan ka na naman?!"

Hindi ko na napigilang lumabas ng unit ko sa inis. Sinara ko ang pinto dahil baka magising pa si Clark sa lakas ng boses naming dalawa.

"Lexi..." ani ko. "Seryoso ka ba? Kasi una sa lahat, hindi naman nagkaroon ng kayo. Pangalawa, wala kang pakialam kung magbalikan man kami..." I sighed. "Akala ko natauhan ka na pagkatapos nang nangyari sayo. Hanggang ngayon pa pala hindi mo pa binibitawan ang 'yang ilusyon mo."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon