Heartstrings Attached II
by thatwallflowerwritesChapter 12
Gabi na nang makahanap ako ng tyempo para makausap si James. Maghapon kasi siyang wala. Wala din si Lexi kaya malamang magkasama silang naglibot sa resort.
Pinilit kong 'wag magpaapekto dahil alam ko namang wala nang point. Ang goal ko na lang ay ma-convince si James na magsulat uli. Para kahit papaano makabawi ako sa lahat ng ginawa para sakin ni Clark. Para kahit papaano makabayad ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.
"James..." tawag ko. Lumingon siya pati na si Lexi. Magkasama silang nakaupo sa patio ng villa.
"Uy, Sky. What's up?" si Lexi ang sumagot.
"Aah, Lex... Pwede ko ba makausap saglit si James?"
Bago pa makasagot si Lexi, nagsalita si James. "What is it?" medyo cold na sabi niya. Hindi ko mapigilang mapansin ang sobrang iba ang tono niya pag ako na ang kausap niya. He's so much colder.
"Pwedeng makausap ka in private? May sasabihin lang ako," marahan kong sabi. Ayoko kasing ma-bad trip siya at lalong hindi ako kausapin.
"Whatever you want to say, you can say in front of Lex," sabi nito. Lex... Close na talaga sila ah.
Alam kong medyo nao-awkwardan din si Lexi dahil alam niyang hindi naman ako hihingi ng privacy kung hindi mahalaga ang sasabihin ko. Pero hindi rin niya napigilang mapangiti dahil sa sinabi ni James. Tinago niya 'to pero nakita ko pa rin. And it still stings.
Napabuntong hininga ako. "It's about work, James. Can you give me a few minutes?"
Bago pa ako masinghalan ni James. Si Lexi na ang nagparaya. "It's fine, James. I actually need talk to Ms. Z. I'll just catch you later?"
He sighed and smiled at Lexi. "Okay, Lex. See you later by the pool?"
"Sure," Lexi said and then walked away.
Nagbalik na naman ang cold face ni James. Parang ganitong mukha na talaga ang designated face niya kapag kausap ako. "Now what?"
"Give me ten hours."
"What?" He lifted his brow, confused.
"Bigyan mo ako ng sampung oras. Pwedeng two hours a day, one hour a day. Or even fifteen minutes a day. I don't care. Basta give me ten hours."
"For what?"
"For the song. Let me help you finish the song. Kahit sampung oras lang ang gugulin mo, okay na 'yun."
"I told you. I've done enough," aniya sabay tayo sa kinauupuan.
Maglalakad na sana siya palayo pero pinigilan ko siya. "Saglit lang. Pakinggan mo muna ako pwede. I'm doing this for you. Alam ko namang pine-pressure ka ng management mo and they made it very clear na dapat sayo mismo manggaling 'yung kanta. I'm doing you a favor, James."
"How is this doing me a favor? I've already done my part. I've done what you asked me to do. What more do you want from me?" Galit niyang tanong. Halata ang frustration sa mukha niya.
"Why are you so mad?" nagtataka kong tanong. "Bakit parang ayaw na ayaw mong makatrabaho ako? Bakit parang galit na galit ka sakin?" Hindi ko na rin napigilang maglakas ng boses.
Natigilan siya. Parang hinahanap ang sagot sa tanong. Bakit nga ba kasi? Bakit lagi niya akong iniiwasan? Alam kong medyo cold siya sa iba pero mas iba ang pakikitungo niya sakin.
"Why do you care so much about this stupid song?" sabi niya pero this time, mahina na.
"Trabaho ko 'to. Buhay ko 'to. Konting respeto naman." Pinilit kong huwag magalit. "Kahit ito lang. Pagkatapos nito, lulubayan na kita. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang trato mo sakin. Pero sige. Just ten hours. Just genuinely try for ten hours."
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...