Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Twenty Three
Sabado. Walang pasok ngayon ang karamihan nang empleyado. Pero bukas pa rin ang studio dahil kahit naman weekends may mga naka-schedule pa rin na recording. Baka pati si Shawn pumasok kasi siya din ang kasama ni Boss sa production.
Sa totoo lang, sa studio ako madalas nakatambay dati. Nandoon naman talaga ang trabaho ko at hindi sa office. Kadalasan akong kasama ni Louis at tinutulungan siya sa production. Hindi ko nga lang magawa ngayon kasi nandito pa si James.
At dahil nga wala sila Kyla, wala akong makukulit doon, hindi ako pumasok kahit pwede naman.
Hindi rin ako pumasok dahil balak ko ding umuwi sa bahay ng parents ko. Alam ko din kasing nagtatampo na rin sila sakin at ang tagal ko nang hindi umuuwi sa amin.
At... hindi ako pumasok dahil hindi ko alam kung paano ako pupunta sa trabaho knowing na nandoon siya.
Ang sabi pa niya hihintayin daw niya ako.
Ang sabi ko naman ay pag-iisipan ko, 'di ba? Hindi ko naman sinabing pupunta talaga ako.
Nag-aayos na ako ng mga gamit na dadalhin pauwi nang tumawag si Louis.
"Yes, Boss,"
"Asan ka, Sky?" tanong niya.
"Nasa bahay," sagot ko. "Bakit?"
"Hindi ka ba papasok today?"
"Hindi, Boss. Wala ka pa namang ipinapagawa sakin eh. Kaya uuwi sana muna ako ngayong weekend kela Mama."
"Hindi ka ba pwedeng magpunta sa studio today?"
"May project na ba ako ulit?" I asked.
"Well, hindi ko pa napa-finalize," aniya. "But James said you'll be here."
"Huh? May sinabi ba ako?" nagtataka kong tanong.
"Akala ko nag-usap na kayo. Sabi niya we'll start pagdating mo."
"Wala naman akong sinabing pupunta ako eh," paliwanag ko. I sighed. "Sige. Pasabi na lang sa kanya na hindi ako makakapunta. Pasensya na."
"Are you sure?"
"Yes. I'm sure. Hindi nyo naman ako kailangan dyan eh. I'll just see you on Monday, Boss."
"Okay. Sige. Bye, Sky."
Binaba ko na ang phone. I breathe in deeply para mawala ang bigat na biglang namuo sa dibdib ko.
I don't get it. I don't get him. Ano bang trip niya sa buhay? Noong hindi nya pa alam ang history namin, dinidedma niya ako. No'ng nalaman niya, gusto niya dapat daw moved on na ako. Tapos ngayong namang naibigay ko na ang gusto niya, gusto pa rin niyang guluhin ang buhay ko?
Ano 'yon, gusto niyang mawala ako sa buhay niya pero gusto pa rin niyang sumingit sa buhay ko? Fair ba 'yon? Ano siya special?
Hapon na nang nagka-time ako para bumyahe. Naalala ko kasing meron pala akong mga damit na kailangang i-laundry.
Pagod na ako pagkatapos kaya imbis na magdrive, nag-commute na lang ako at sumakay nang bus pauwi.
Ilang minuto na akong nakaupo sa bus nang mag-text sakin si Boss.
'Sky, I've tried but he really doesn't want to start recording without you. We've already left but he is still in the studio. I think he's waiting for you. It's your decision, Sky. You don't have to come. I just want to let you know.'
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...