Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Thirty One
"I'm really sorry daw," basa ni Kyla sa note na nasa gitna ng bouquet of pink roses. "Kanino galing 'yan, Sky?"
"Ewan," maikli kong tugon.
This is absurd. This is madness. Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi ba siya napapagod? Kasi ako sobra na.
Agad kong binuhat ang bouquet at naglakad papunta sa mas malaking trash can sa may sulok ng office.
I dumped it in, katulad ng coffee na galing sa kanya at naglakad pabalik sa upuan ko.
How could he act like I could simply forget what he did dahil lang sa bulaklak na 'yan? Hindi ba niya nari-realize kung gaano kalala ang ginawa niya?
He kissed me. He freaking kissed me. Oo, I kissed him back pero may rason ako. Gusto ko pa siya. Pero siya? Anong rason ang naibigay niya? Wala.
"Teka, teka!" gulat na tanong ni Kyla. "Akala ko ba hindi mo kilala kung sinong nagbigay? Bakit mo itinapon?"
"Hindi ko nga kilala eh kaya bakit ko tatanggapin?" I slumped my head on my desk. Gusto ko na lang kainin ng lupa. Gusto kong magpakalayo-layo hanggang makapunta sa lugar kung saan walang makapagpapaalala sakin sa nangyari.
Kyla moved closer to me. "You're acting really weird."
"I've always been weird, Kyla," sagot ko without looking at her.
"Hindi eh. Mas weird ka ngayon. Atsaka parang hindi ka pa nagkukwento tungkol sa ex mo ngayong araw. Kamusta na ba kayo?"
I lifted my head at nagbuntong-hininga. "Favor naman, Kyla. Please, 'wag mo na siyang babanggitin ever. Ayoko na ng stress. Boundary na ako diyan."
"Okaaay," awkward niyang sagot. Naku malamang umiikot na naman ang mga turnilyong pangchismosa niya sa ulo pero pinipigilan lang niyang mag-usisa.
"Wala pa ba si Boss? Napakatagal naman niya," inip na inip ko nang sabi.
Kailangan ko nang makuha ang songwriting project ko from Louis. Atat na atat na akong umalis sa building na ito. The more I'm here, the more na magugulo niya ako.
Ayoko na. Alam kong ang dami ko nang beses nagsabi na suko na ako. Pero ayoko na talaga. This is the worst thing he ever did. Mas gugustuhin ko pang magalit siya sakin o kamuhian ako kasi iyon alam kong may rason siya.
Pero this? How could he play with my heart like that? How could do that when I made it clear to him that I still have feelings for him?
Yumuko ulit ako at nagpanggap na natutulog para walang gumambala sa akin. Pero pagmulat ko, narealize kong nakatulog ako nang tunay dahil past noon na sa relo ko.
Umupo ako nang diretso habang kinukusot ang mga mata at napansin ang dark blue na jacket na nakasuot sa likod ko. Tumingin ako sa paligid. Wala namang iba bukod sa ilang workmates namin sa kabilang gilid.
Baka kay Kyla ito? Pero parang amoy lalaki. Hindi naman sa ugali kong maninghot ng lalaki para malaman kung anong amoy nila, pero matapang kasi. Hindi naman naggaganito si Kyla kasi palaging floral ang perfume na gamit niya.
Kay Shawn kaya ito? Malamang.
Isinuot ko na lang ang jacket dahil nilalamig din naman ako. Saka magkaibigan naman kami kaya okay lang sigurong hiramin ko muna nang matagal.
I looked at my phone and checked kung nagmessage ba si Boss. Pero wala. Ayoko naman pumunta sa office niya or sa studio. Baka may makita lang akong ayokong makita.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...