Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Forty Four
.
.
.
'Drop by the office tomorrow. Monique's back. Let's have lunch together.'- text ni Boss Louis kahapon.
Oooh. So totoo nga ang sabi niya. Nagbalik na siya.
Matatakot na ba ako?
Ayaw ko mang magbalik sa dating Sky na madaling ma-intimidate sa ibang tao, hindi ko pa rin mapigilan. Hindi naman sa takot talaga ako sa kanya noh. Tao lang din siya. Pero sadyang sobrang lakas lang kasi ng dating niya eh. Lalo pa siguro ngayong malayo na rin ang narating niya sa mundo ng modeling.
Hindi ko rin mapigilang maalala ang huli naming pagkikita. Nasampal pa nga niya ako sa mukha eh. Pero pareho kaming emosyonal noong araw na 'yon. Hindi ko siya masisisi sa ginawa niya. Kahit ako galit noon sa sarili ko dahil sa nangyari.
Kasama kaya si Clark sa lunch--Bura bura bura!
Bakit ba ako nagtatanong tungkol sa kanya? ... I don't care nga, 'di ba?
Pero para sigurado, nagpunta ako sa closet para mamili ng isusuot... Hep! Excuse me, hindi 'to para kay Clark noh. Para kay Monique. Oo tama. Para talaga to sa matalik kong kaaway. Huwag niyo na nga akong pagdudahan, pwede?
I opted for a cute white blouse I bought online. Saka light blue na highwaisted jeans. Simple, parang walang effort pero presentable. Hindi ako magmumukhang kawawa kapag humarap ako kay Monique mamaya.
I also ironed my hair into lazy curls. Naks. Iba na si Sky. Di na ma-reach.
Daig ko pa pupunta sa date. I grabbed my white sling bag at nagre-apply ng rosy matte lipstick. Dalaga na talaga ako. Sayang lang at hindi na nasubaybayan ng dating Clark ang evolution ko.
Clark na naman. Sky, umayos ka pwede?!
---
I walked straight inside the SnS building. Nagmessage na ako kay Louis na parating na ako kaya diretso diretso na ako papunta sa office nang madaanan ko si Kyla sa hallway.
"Sky!" sigaw niya habang patakbong lumapit sakin. "Kamusta na? Babalik ka na?"
Umiling ako. "Hindi pa eh. Mag-lunch lang kami ni Boss."
"Aah," tangu-tango niyang turan. "Nakabihis ka ah. May... may date kayo?" Parang may lungkot sa boses niya.
"Sira! May kasama kaming bisita kaya nagayos ako nang kaunti."
"Ganun ba?" Nabuhay ulit ang mukha niya. "Oo nga pala. Nabalitaan ko yung tungkol kay Shawn. Sorry, Sky ah," sabi niya sabay marahang hinawakan ang braso ko.
"Sorry saan?"
"Kasi ako ang numero unong shipper niyo dati. Akala ko kasi..."
"Kyla, tama na nga 'yan. Hindi mo naman alam eh. Saka si Boss nga hindi affected kaya dapat kalimutan na lang din natin. Tutal, umalis na rin naman siya. Let's just hope the best for him."
Basta tigilan na lang niya ang pagpapadala sa condo ko ng bulaklak at kung anu-ano. Medyo nakakainis na rin kasi eh.
"Okay," malamlam niyang sabi. "Oo nga pala. May pinagagawa sakin ang pogi--este magaling nating Boss. Sige una na ako ah." Awkward siyang naglakad nang mabilis pabalik sa office.
Hindi ko maiwasang matawa nang very light. Ano bang meron sa babaeng 'to ngayong araw?
Hindi pa man ako nakakalayo ay nakita ko na naman si Lexi na naglalakad sa hallway. Na naman?
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...