Chapter Eighteen

255 9 0
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Eighteen

I almost cried. Everything looked the same. From the floors to the ceiling to the curtains. Medyo naiba lang ang posisyon ng ibang instrumento pero parang walang nagbago.

Pumasok na rin si Clark. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya. He just stood there with no expression.

"So why are we here again?" tanong niya.

I smiled widely. May kung ano sa lugar na ito ang nakapagpapagaan ng loob ko. I feel like I can do anything. Kahit pa magmasungit siya buong araw pakiramdam ko kakayanin ko.

"This is the music room."

He arched his brow. "...and?"

"And... This is where it all started," paliwanag ko. "Dito sa school na 'to tayo nag-aral dati. At sa kwartong 'to, dito kayo madalas mag-practice ng banda niyo. At dito din... Dito din tayo unang nagka-usap, nagkakilala."

He looked around the room. "You haven't answered my question."

"Kailangan ba may sagot ang lahat?"

"Yes. Especially when you have to drag me here with you," pasinghal niyang sagot, running his hand through his hair.

"Hoy, hindi naman kita pinilit," banat ko naman. "Gusto ko lang namang dalhin ka ulit dito."

"And that's why I am asking! Why do you have to bring me here when you know that I won't remember anything," he said irritatedly. "You know what? I'll just go."

Akma na siyang maglalakad palabas ng pinto. "Sandali lang. Galit ka agad eh. You promised me na hindi ka magrereklamo, 'di ba? No complaints. Oras ko 'to." Tiningnan ko ang relo ko. "Our time started noong dumating ka. Halos fifteen minutes pa lang ang nakalipas kaya hindi ka pa pwede umalis."

He looked back at me. "So what do you want me to do?"

Itinuro ko ang pinakamalapit na upuan sa kanya. "Sit down."

He bit his lip in frustration pero sumunod din siya. Hinintay ko siyang maupo bago magsalita ulit.

"I'm not here to pressure you into remembering anything," ani ko. "Gusto lang malaman mo 'yung mga mahahalagang bagay na nangyari sayo noong nandito ka pa."

I walked around, looking at things around the room. Wondering about the things that happened here after we've left.

"Nandito 'yong piano dati," banggit ko sabay turo sa gilid ng kwarto kung saan naroon na ang drum set. "Dito naman... Dito tayo madalas maupo noon habang tumatambay kapag free period natin."

I looked at the corner of the room and smiled. Nakita kong napatingin din siya. "At dito," sabi ko habang nakaharap sa bintana. "Dito tayo madalas tumayo dati. Tinitingnan lang natin 'yung view. Kasi tingnan mo naman oh. Ang ganda. Ito talaga ang paborito kong spot sa buong school."

He just sat there kaya tinawag ko siya. "Halika." He didn't budge. "Dali na."

Dahan-dahan siyang tumayo na parang wala pa ring interes sa mga sinasabi ko.

"Tingnan mo," sabi ko nang nakalapit na siya sa tabi ko. "Look outside."

He looked out at alam ko kahit sa ilang sandali lang nagbago ang expression niya. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Mas lumapit ako sa bintana at ipinatong doon ang mga braso ko. I breathed in the fresh air from outside.

"Namiss ko 'to," bulong ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa labas. He seemed lost in his thoughts. Hindi ko napigilang titigan siya. Sa malapitan, mas kitang kita ko ang mukha niya. Same brown eyes. Same dark hair. It's still the same face I used to stare at before. Mas namiss ko 'to, bulong ko sa sarili.

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon