Chapter Three

312 10 0
                                    

Chapter Three

"Cla...Clark?" nanginginig kong bulong. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako makapaniwalang nakatayo siya sa harap ko. Imposible...pero ito siya, nakangiti at nakatingin din sakin.

Nanginginig din ang tuhod ko at hindi ko alam ang magiging reaksyon habang palabas siya ng elevator. Nandito na siya, Sky. Bumalik na siya.

Si Clark. Lagpas dalawang taon na ang nakakaraan at alam kong madami nang nagbago. Tulad ng kung paano niya asuyin ang buhok niya, paano siya manamit. Syempre, isa na siyang international celebrity. He may be a hearthrob before, but now, he's a star. Pero kahit na ganoon, meron pa ring hindi magbabago. Lalong lalo na kung paano siya ngumiti. A smile that would make my heart beat faster every second.

Tumayo siya sa harapan ko at parang lahat ay tumigil, bukod sa puso ko na over na kung mag-palpitate.

"Hey," bungad niya.

"H--hi..." nagsa-stutter kong sagot. My head was in panic. Nandito na siya. Nandito na talaga siya. Hindi ko napigilang mapangiti sa sobrang saya. Yes. I am darn happy to see him again.

"Your phone," aniya sabay angat ng kamay na may parang hinihingi.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"You want a selfie, right? Let me take it for you," sabi niya.

Hindi ko pa rin siya maintindihan. Selfie? Bakit? Para mai-document namin ang muli naming pagkikita.

"You don't want?" He shrugs tapos binaba ang kamay niya at ipinasok ang kamay sa bulsa ng black niyang pants. "How about an autograph? You have a pen?"

Napataas ako ng kilay. Autograph? Ano ko isa sa mga die-hard fans niya....teka. Does he think...?

"Do you think I am a...fan?"

"Aren't you? Then why are you staring and smiling at me like that. Open-mouthed by the way, like you're going to drool on the floor any moment," sabi niya na may pagngisi pa.

"No, I was not!" tanggi ko. Nakanganga ba talaga ako? Hindi naman ah. Gulat ako, oo. Pero hindi ako nakanganga.

"Then you're not." He shrugs again na parang wala lang sa kanya ang paguusap namin. "Ahm, do you know where the conference room is?" tanong pa niya.

Marahan kong itinuro kung saan ako nanggaling. "First door from the right."

"Thanks." Tapos ayun, tinalikuran na niya ako at maglakad papalayo.

Anong nangyari? Bakit parang hindi niya ako kilala? Galit ba siya sakin? Ayaw na ba niya talaga akong makita. Kaya ba nagpapanggap siya ngayon na hindi niya ako kilala? Imposible namang basta na lang niya akong makakalimutan, 'di ba?

"Sandali, Clark!" sigaw ko na nagkapagpalingon sa kanya. "What's my name?"

Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtataka. "How could I know? I've just met you," he says plainly. Tumalikod siya ulit at nagpatuloy ng paglalakad pero tiningnan niya akong muli after ng ilang hakbang. "And I go by the name James. No one calls me Clark. I don't like that name."

Diretso na siyang naglakad papunta sa conference room. At ako? Hindi pa ako makaalis alis sa kinatatayuan ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Ang sakit. At hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan. Dahil ba sa hindi niya na ako naaalala...o dahil umasa ako na sa muli naming pagkikita, si Clark pa rin ang haharap sakin at hindi si James na kahit kailan e hindi ko pa nakikilala.

***

"Uy. Saan ka nanggaling? Kanina pa nagsimula ang meeting," tanong ni Kyla sakin na hinihintay ako sa tapat ng pinto ng conference room. "Girl! Nasa loob na si James Stevenson! Tama ka nga. Siya talaga 'yung big client natin!" excited pa niyang sabi.

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon