Heartstrings Attached II
Chapter 7Naupo ako sa may lamesa sa biranda na nakaharap sa dagat. Napakaganda ng view. Sobra. Ramdam ko rin ang hangin mula sa dalampasigan.
Kakatapos lang namin magtanghalian at karamihan sa amin ay lumabas na para mag-swimming sa malapit na pool. Tanghaling tapat kasi at sobra pang init sa tabing dagat.
Ako, eto nga. Sa halip na maki-join sa saya, nandito ako para magtrabaho.
Sa harap ko ay ang mga music sheets at mga gamit na baon ko para sa paggawa ng kanta. Sa gilid ko naman ay ang gitara na madalas kong gamit...'yung gitara ni Clark.
Kinuha ko ito at pinagmasdan. Kainis ka, Clark. Nakakainis ka.
Dalawang taon. Dalawang taon na ito lang ang kasama ko. Na ito lang ang pinanghahawakan ko. Umaasa na isang araw yayayain mo ulit akong sumulat ng kanta kasama ka gamit ito. Tapos ngayon, kailangan pa kitang takutin para lang makatrabaho ako. At gugustuhin mo pa akong bayaran kaysa pumulot ulit ng papel at mag-compose ng kanta.
How dare you, Clark?
"Nice guitar," narinig ko bigla. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa gilid ko.
Sa totoo lang hindi ko na in-expect na magpapakita ngayon si James. Ni hindi rin siya sumabay saming mag-lunch kanina eh. So akala ko wala na din siyang balak pang sumipot sa usapan. Actually, wala naman talagang usapan. Ako lang ang nagsabi. Tinakot ko lang siya.
"Thanks. But isn't mine," sagot ko with a weak voice.
Umupo siya sa upuan sa harap ko. He made himself comfortable na parang wala siyang pake sa paligid niya. "Then whose is it?"
Napatitig ako sa gitara at hinawakan ito nang mahigpit. In a way na sana ito na lang ang sumagot sa tanong ni James. Na sana hindi ko na kailangang magsalita.
"A...friend's," ani ko na hindi pa rin makatingin sa kanya ng diretso. "Naiwan niya lang."
"Where is he?"
"HE agad? Hindi ba pwedeng babae 'yung kaibigan ko?"
He shook his head habang nakatingin sa mukha ko. "Well, with that look on your face. I doubt it's just a friend. Unless... You're interested in... I mean, not that it's any of my business."
Umiling lang ako. "Tama ka. I'm into guys."
Susme, James. Naging tayo nga eh no?
"Ok," he muttered with a shrug. "So...where's 'he'?"
Napatigil ako. Asan nga ba? Kasi imposible namang nasa harap ko siya at kinakausap ako. Malabo 'di ba? Malabo. Kasing labo ng utak nitong kasama ko.
"Somewhere...far," ito lang ang nasabi ko. Totoo din naman kasi. Kahit narito siya. Halos isang dipa lang ang layo sakin, pero parang isang milyong milya ang layo niya. 'Yong tipong hindi ko maaabot. Hindi ko mahahawakan.
Tinaasan niya ako ng kilay. Parang nagtatanong na nagtataka.
"Enough about 'him', okay?" singit ko bago pa siya makapagtanong ulit. "We should start."
"It seems like you're the one in-charge. So what do I do?" ani nito.
"Well, for a start, tell me what do you want to write about?"
![](https://img.wattpad.com/cover/77568896-288-k60688.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...