Chapter Thirty Eight

256 10 6
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Thirty Eight

Biyernes ng umaga nang may dumating akong package mula kay Shawn. Wala naman akong ine-expect na ipapadala niya sakin kaya tinawagan ko muna siya bago ko ito binuksan.

"Hello, Sky," rinig kong bati niya mula sa kabilang linya.

"Shawn, hello. Kamusta? Busy ka ba?" sabi ko habang nilalapag sa couch ang malaking white na box na may blue satin ribbon. Maganda at classy ang pagkaka-package nito.

"Hindi naman. Bakit ka napatawag?"

"Eh kasi may dumating na package sa bahay ko. Galing daw sayo."

"Ah. Oo. Nakarating na pala sayo. Nagustuhan mo ba?"

"Aah... Hindi ko pa naman nabubuksan eh. Ano bang laman nito?"

"Buksan mo na muna. I'll wait."

Binuksan ko ang box at lumaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ako nakapagsalita kaagad sa sobrang ganda ng blue na floor-length night gown na nakatupi sa loob nito. Inilabas ko ito habang nakaipit sa tenga at balikat ko ang phone.

"Ano, Sky? Nagustuhan mo ba?" narinig kong tanong niya.

"Ahm--teka, Shawn. Ano 'to? Bakit mo ako pinadalhan nito?" takang-taka kong tanong habang tinitingnan ang gown.

"Para 'yan bukas, Sky."

"Saan? Sa business event na sinasabi mo?"

"Yeah. Naisip ko kasi since tulong mo na nga ang pagsama sakin, binilhan na rin kita ng masusuot para hindi ka na maabala pa."

"Eh bakit ganito, Shawn? Hindi ba overkill 'to? Gown talaga?"

"Pasensya na, Sky. Major event kasi ang pupuntahan natin. May dress code."

"Pero sigurado ka bang kailangan kong isuot 'to? Kasi... parang nakakahiya naman. Napagastos ka pa talaga. May damit naman ako na pwedeng suotin. Hindi nga lang ganito kaganda pero okay na rin 'yon."

"Sky, it's fine. Syempre ayaw ko naman na ma-out of place tayo sa mga guests bukas."

"Ganoon ba?" ani ko. "Oo nga pala. Kanino bang event ang aatendan natin? Saka bakit hindi kasama si Boss?"

"Well, private event kasi 'yon ng kakilala ko. Naka-pangako na ako na pupunta ako kaya eto. Salamat talaga sa pagpayag na maging date ko bukas ah."

Date?

Wala namang ganoong usapan ah.

Pero hindi ko na lang pinansin kasi baka ganoon lang talaga ang tawag nila sa mga plus one.

"Wala 'yon, Shawn. Ano ka ba. Pero sigurado ka ba talagang hindi tayo mao-overdressed?"

"Hindi yan, Sky. Trust me."

"Okay. Sige na nga. Sabi mo eh."

"Naisukat mo na ba? Ang sabi kasi ni Kyla sakto na sa iyo 'yan eh."

So kasabwat din pala si Kyla sa pagbili ng gown na ito. Pero hindi na ako magrereklamo. Maganda naman ang taste niya eh. It's a really beautiful dress. Hindi ko nga akalain na makakapagsuot ako nito.

Tumayo ako at ipinatong ang gown sa katawan ko. "Tama lang 'to, sa tingin ko."

"Mabuti naman. I'll pick you up at seven, okay?"

"Sige."

"Okay. Thanks, Sky. I owe you one."

"Tsk. Wala 'yon. Salamat din dito. Nagustuhan ko."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon