Chapter Forty Three

257 7 3
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Forty Three
.
.
.
"Wow! That's Lexi Lee, everybody!" sigaw ng host ng isang talk show pagkatapos ng performance ni Lexi.
Nagpalakpakan ang lahat.

Malaki ang ngiti ni Lexi habang naglalakad siya palapit sa host. Pinaupo siya nito sa couch sa harap niya habang patuloy pa rin ang pagsigaw at pagpalakpak ng mga studio audience.

"That was so good. Salamat sa pagpapaunlak na makausap ka namin muli, Lexi," ang sabi ng host pagkatapos tumahimik ang mga tao na malamang ay puro miyembro ng fans club ni Lexi.

She smiled brighter. "It's my honor po, Tita Girl. Thank you po sa pag-invite ulit sakin dito. Na-miss ko po kayo," sabi niya sabay kaway sa camera.

"Of course, of course. We missed you too, Lexi..." binuksan niya and cue card sa kamay niya para sa mga tanong. "Last time nandito ka, you told us about how you started in the industry. How a song has helped you reached your dreams, 'di ba? Ngayon, after a few months, kamusta na si Lexi Lee?"

"Sobrang..." She tucked her hair behind her ears. "Sobrang okay po ako ngayon, Tita. Sobrang daming opportunities na dumating. Siguro, ang pagkakaiba lang po ay, ngayon, na-realize ko na hindi siguro talaga dahil sa kantang 'yon kung bakit narating ko 'yung kinatatayuan ko ngayon. It's all about my talent and my hardwork po talaga."

I couldn't help but cringe. Really? Kailangan ba talagang sabihin 'yon, Lexi?

"Well, that's true. You're very talented indeed," ani ni Tita Girl. "Pero Lexi, may narinig kaming balita na may dine-date ka daw na super popular na international singer. Totoo ba ito?"

I could feel myself bite the inside of my cheek.

Isang misteryosong ngiti at tawa ang isinagot ni Lexi. "Saan niyo po narinig 'yan, Tita Girl?"

"Napansin kasi ng mga fans mo ang mga litratong pino-post mo kamakailan sa Instagram. Kamukhang-kamukha ng isang international artist na may lahing Pilipino rin. Pwede ko bang banggitin ang pangalan ng hula nila?"

She chuckled na halatang kinikilig. "Sino po ba?" tanong niya habang pa-cute na hinahawi ang buhok niya.

Parang gusto lang talaga niyang i-on air ang kung ano mang meron sila ni James eh no? Kailangan ba talaga niyang gawin 'to?

"Well, ang sabi ng karamihan ay si James Stevenson daw, na balita namin ay kasalukuyang nasa Pilipinas. Totoo ba ito?"

Tinakpan ni Lexi ng kamay niya ang bibig niya na parang gulat na gulat.

Bruha.

Ikaw ang nagtanong tapos parang shock na shock ka?

"So, is it true, Lexi? That you're dating one of the most popular artists in the world today?"

Namumula ang mukha niya na parang talagang hiyang-hiya. Na parang hindi niya sinadya na malaman ng lahat na si James ang lalaking nasa Instagram niya.

"Well, Tita Girl... I can't really answer that question right now," sagot niya. "You know, James and I are really really close and we really enjoy each other's company. At kung ano mang pong meron sa aming dalawa, I think it will be better if we keep it private for now."

Showbiz na showbiz ang mga sagutan ah. Idol!

"So in short, inaamin mo na si James Stevenson talaga ang kasama mo sa mga litratong 'yon?" tanong ng host na parang isang napakalaking scoop ang narinig niya mula kay Lexi.

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon