Heartstrings Attached II 💕
thatwallflowerwritesChapter Twenty Nine
"Ha?" Bakas sa mukha ko ang gulat at kalituhan. Ano ba kasing ganap dito kay James at bumalik siya? "May... May ginagawa pa kasi kami eh."
James just shrugged again. "I'll just wait for you here. If you don't mind," sabi ni James sabay upo sa stool sa tabi ng pintuan.
"Eh kasi..."
"I mind, actually," singit ni Shawn with a serious face. "We're doing something important. It may take long. Kaya baka pwedeng iwan mo muna kami?"
Hindi ko mabasa ang mukha ni James. He's just staring at Shawn while Shawn is also staring back at him.
"If I'm leaving, then I'm gonna take Sky with me," James answered without moving from his seat. "We've made plans first, right Sky?
I bit my lips in nervousness. Teka. Bakit ba ako kinakabahan? At bakit parang may kung anong tensyon ang namumuo sa loob ng kwarto?
"Oo kaso... Kailangan ko kasing tulungan si Shawn ngayon eh," awkward kong sagot.
"No problem," ani ni James. "I'll wait." He crossed his legs and made himself more comfortable.
Nakita kong tensed ang mukha ni Shawn sa gilid ko. "Pasensya na, Shawn. Ok lang bang ituloy na lang natin?" mahina kong sabi sa kanya. "Hayaan na lang natin siya dyan."
Alam kong hindi siya sang-ayon pero lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti. "Sige."
"Ok. Salamat," ani ko sabay tingin sa laptop niya. Hindi pa rin mawala ang kaba at kakaibang feeling dahil sa hindi inaasahang presence ni James.
Pero wala naman ako magagawa. Mukhang walang makapipigil sa kanya. Saka nauna naman talaga ang usapan naming dalawa.
Halos isang oras na rin ang lumipas, at nagpapatuloy pa rin ang usapan namin ni Shawn tungkol sa melody at lyrics ng kanta niya, habang si James ay nakaupo lang nang tahimik sa harap namin.
Pilit kong hindi tumingin sa kanya pero hindi ko mapigilang tingnan paminsan-minsan kung anong ginagawa niya.
Sumulyap ako sa kanya saglit pero nahuli niya ang mata ko. Agad kong binaba ang tingin ko. Hindi naman ako dapat mahiya at kabahan pero bakit malakas ang tibok ng puso ko.
"Anything else you think would make it better?" tanong ni Shawn sakin.
"Baka siguro mas maganda kung medyo bagalan natin ang tempo ng verses, tingin mo?" suggestion ko sa kanya.
He looked at me and smiled. "Sige. Let's try."
He edited the track on the music software at pinatugtog ulit ito.
"Yeah, this is really better," he said excitedly.
Tumango ako at ngumiti sa kanya pabalik. "I agree."
Narinig ko biglang tumayo si James. He didn't say anything. Naglakad-lakad lang siya sa loob ng studio.
I tried to ignore him. Alam kong pilit lang din siyang hindi pinapansin ni Shawn.
"Ok naman na ang lyrics para sakin. It's really catchy," sambit ko. "Ano sa tingin mo?"
"Yeah. I think this'll work," sagot ni Shawn. "Thanks for helping me, Sky. I wouldn't have done this without you."
"Sus. Wala 'yon. Basta kung may maitutulong pa ako sabihin mo lang."
"Well, since nabanggit mo na... 'Yun kasing singer na kumanta para sa demo na 'to, hindi na kasi siya pwede. Kung pwede sana ikaw na lang din ang kumanta nito for the demo?"
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
Любовные романыHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...