Heartstrings Attached II
by thatwallflowerwritesChapter Sixteen
His face was already red as he tried to wipe away the tear from his face.
"...Clark," tawag ko sa kanya. It hurts me to see him this way. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.
He looked at me with teary eyes. "Don't call me that." Dali siyang lumabas ng pinto bago pa ako makapagsalita.
Gusto ko siyang habulin. Gusto ko siyang tawagin. Pero kahit ang pangalan niya hindi niya ako pinapayagang banggitin.
My chest is heaving, my whole body shaking. Hawak-hawak ang dibdib ko, naupo lang ako sa hospital bed, hopeless, breathless.
***
Sabay ang pagtila ng ulan sa pagsikat ng araw. Buong gabi akong hindi nakatulog, hindi na rin nagbalik si Clark sa kwarto. Gusto ko mang alamin kung nasaan siya, hindi ko magawa. Masakit pa rin lahat sakin.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang mga yabag sa harap ng private room.
Umupo ako. Hindi na ako magpapanggap. Hinahangad kong sana si Clark. Sana si Clark. Sana bigyan niya ako ng pagkakataong malaman ang tunay niyang nararamdaman.
"Sky," narinig kong sigaw ni Kyla pagkapasok pa lang niya sa loob ng kwarto. "Ok ka lang ba? Anong nangyari sayo?"
Dagli siyang tumakbo papunta sa gilid ko. I gave her a sad smile. "Ok lang ako. Huwag kang magalala."
Kasama rin niya si Louis at Lexi.
"Pinagalala mo kami, Sky," sabi ni Lexi. "Ano bang nangyari sayo?"
"Pasensya na kayo," aniko. "Naligaw kasi ako kahapon. Sorry kong nag-worry pa kayo."
"Huwag mo nang isipin 'yon," sambit ni Louis. Malamang isa rin siya sa mga naghanap sakin maghapon pero hindi niya ako pinagalitan. Katulad ng dati. Siya pa rin ang isa sa mga pinaka-nakakaintindi sakin. "Kamusta pakiramdam mo?"
"Eto," I said with a sigh. "Medyo may mga sugat. Medyo minalas kasi ako habang hinahanap ang daan pabalik sa resort eh."
"Ganun ba? Buti pala nahanap ka ni James kagabi," sabi naman ni Kyla. "Alalang-alala kami lahat kahit si James agad--"
"Asan nga pala si James, Sky?" singit bigla ni Lexi. "I thought he's with you?"
"Ahmm... Lumabas siya eh. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta," sagot ko.
"Gano'n ba? Sige. Hanapin ko muna siya. Baka nandyan lang siya sa paligid," aniya bago siya lumabas para hanapin si James.
"By the way, Sky. Naayos na namin ang release papers mo. Pwede ka na lumabas today," Louis explained.
"Nagdala na rin ako ng pamalit mo," sabi ni Kyla sabay abot sa akin ng isang paper bag. "Ang sabi kasi ni Lexi bilin sa kanya ni James. Nabasa daw kasi ng ulan ang damit mo eh."
"Ganun ba? Salamat."
"Sige. Labas na muna ako para makapagpalit ka," sambit ni Louis bago lumabas at iwan kami ni Kyla.
"Tulungan na kita," sabi sakin ni Kyla habang inaalalayan akong tumayo. "Hay naku, Sky. Iba ka din eh. Alam mo bang buong araw at gabi kaming balisa dahil sayo."
"Alam ko naman kaya nga ako nagso-sorry eh," sabi ko habang nagpapalit ng damit. Buti tinutulungan ako ni Kyla kundi mahihirapan ako masyado dahil sa nakakabit pa na dextrose sakin.
"Grabe, Sky. Ang dami mo sigurong pinagdaanan kagabi. Tingnan mo oh," aniya nang makita ang mga benda ko sa katawan. "Saan ka ba kasi nagsuot?"
"Naku, Kyla. Mahabang kwento. Kahit ako hindi ko alam eh," pabiro kong sagot.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...