Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Fifty One
.
.
.
I was sitting on my bed, leaning against the headboard. Walang imik. Walang luha. Nakatulala lang sa kawalan. Hindi ko alam kung ilang oras akong ganito pero ito na ang itsura ko pagkauwi ko kagabi. Hanggang sa lumabas na ang araw at tumilaok na ang mga alagang manok na panabong ni Tatay sa likod-bahay.Pagpasok ko kagabi sa bahay, pinilit kong hindi ipahalata sa mga magulang ko na may nangyari. Kaya hindi ako umiyak. Hindi ako humagulgol katulad nang dati. Hanggang sa wala na lang akong nararamdaman. Buong gabi lang akong nakatulala.
It felt like nothing matters anymore. Wala nang mangyayari kahit umiyak pa ako. What happened already happened. The boy I loved has hurt me again.
Narinig ko na lang na may kumatok at nagbukas sa pinto ng kwarto ko. "Nak, nasa baba si Daldal."
I managed to smile at magpanggap sa harap ng mama ko. "Paakyatin niyo na lang po."
Tumango siya at tahimik na bumaba. Sabay nang pagalis niya ang dagling pagkabura ng ngiti sa mga labi ko. I felt so fake and I hated myself for it. Pero wala akong choice.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Aims. Hindi katulad kay Mama, hindi ko na kailangang magpanggap. Hinayaan kong makita niya ang lungkot sa mga mata ko.
"Dinala ko na yung bag mo," marahan niyang sabi sabay lapag ng bag sa may study table ko. "Naiwan mo kagabi."
Tumango ako. "Salamat."
Marahan siyang umupo sa kama ko. "Kamusta ka? Ang putla mo, bes. Okay ka lang ba?"
"Manhid na ata ako, Aims," sabi ko sa kanya. "Parang wala na akong maramdaman."
She held my hand. "Don't say that. Baka pagod ka lang."
Tumango ako. "Pagod na pagod na, Aims. Pagod na pagod na."
Lumapit siya at niyakap ako. "Okay lang umiyak, bes..."
"Parang... Parang wala na akong iiiyak eh. Simula nang bumalik siya, wala na akong ginawa kundi umiyak."
She let go of me and gave me a sympathetic look. "Narinig ko kay Mike ang nangyari. Kinuwento ni Clark. Sorry daw siya nang sorry. Iyak siya nang iyak."
Just imagining him crying because of me made my heart break at gusto kong sampalin ang sarili ko sa pag-aalala sa kanya.
"Sky, alam mo namang malaki rin ang chance na hindi si Clark ang may pakana ng nangyari, 'di ba? Ikaw mismo ang nakakakilala kay Lexi. Alam mo ang ugali ng babaeng 'yon."
I just sat in silence.
"Naaalala mo ba ang nangyari nung College pa tayo?" tanong niya. "Nangyari na rin 'to sa inyo, 'di ba? Nalaman mong si Monique ang may kasalanan at hindi si Clark."
I looked at her with the eyes of someone who's given up. "Alam ko... Alam kong si Lexi ang may kasalanan. Siyempre alam ko. I was there. Pero bakit parang ang sakit-sakit pa rin? Bakit parang ang hirap pa rin? Bakit parang lagi na lang pinapamukha sakin ng mundo na hindi talaga kami para sa isa't isa?"
"Sky naman. Mahal ka no'ng tao. Bakit hindi muna kayo mag-usap?"
Umiling ako. "Hindi ko siya kayang makita, Aims. Tuwing makikita ko ang mukha niya, maaalala ko lang ang nangyari. Maaalala ko lang lahat. Pagod na pagod na ako, Aims. 'Yung puso ko litong lito na. One day, sobrang saya namin, the next, ito na naman, may nangyari na naman."
"Hindi niyo naman kasalanan yon eh. Hindi rin naman ginusto ni Clark yon"
"Aims, kung mahal niya talaga ko bakit niya hinahayaang mangyari ang mga 'to? Bakit niya hinayaang makalapit sa kanya ang mga taong alam niyang makakasakit sakin?"
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomansaHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...