Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Sixty Seven
.
.
.
Hindi na ako nakailag, ibinuhos niya sa akin agad ang laman ng baso niya. Dama ko ang lamig sa mukha ko hanggang sa dibdib.Nagtawanan sila nang malakas. For the first time, parang naramdaman ko na totoo na ito. Nadama ko na ang galit ng mga tao sa likod ng mga accounts nila sa social media.
For a split second, natakot ako.
"Dapat lang sa'yo 'yan!" sigaw ng isa sa kanila sabay ang tawa ng mga kasama niya.
"Ganyan ang nangyayari sa malalanding kagaya mo!" sigaw naman ng isa.
Pero natakot man ako saglit, naalala kong hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nila. I wiped the slimy red drink from my face and laughed shortly kahit na medyo naiiyak ako.
"So? May napatunayan ba kayo sa ginawa niyo? Napatunayan ba ng pagbuhos sa akin niyan na tama ang mga binibintang niyo sakin?"
"Aba't matapang ka pa ah!" Akma siyang lalapit nang marinig namin ang isang malakas na pito mula sa back entrance ng building.
"Anong ginagawa niyo dyan?!" sigaw ng isa sa mga security guard ng SnS. "'Di ba pinaalis ko na kayo kanina?"
Nagtakbuhan sila agad.
"Miss Sky?" sabi ni kuyang Security Guard. "Anong nangyari sa inyo?"
"Wala po ito," sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko. "Okay lang po ako."
Dumiretso ako sa loob ng building bago pa may makakita sa akin. I breathed deeply, trying to shake off the heavy feeling on my chest.
Naglakad ako sa hallway papuntang restroom. Pero hindi ko inaasahan na isa na namang eksena ang aabutan ko.
"Monique?" tawag ko nang makita ko siya at si Lexi sa dulo ng corridor. Namumula ang mata ni Lexi at halatang may takot sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?"
Lumingon siya sa akin at itinaas ang kilay niya. "Don't you see? I'm talking to our dear friend here."
Kita ko ang panginginig ng labi ni Lexi. Hindi ko mapigilang tablan ng awa.
"Please. Don't do it," ani ni Lexi. "Ano bang gusto? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah!"
"Oh. Poor thing," sabi ni Monique, with her arms across her chest. "Do you think I would care. One thing you should know about me is that I do whatever the hell I want. Ask Sky here. She knows what I'm talking about."
"Ano ba kasing sinasabi mo? Anong sinasabi ni Lexi?" tanong ko.
She rolled her eyes. "Doesn't matter. Ang importante ngayon pa lang, maputulan na ng sungay itong good-for-nothing wannabe na babaeng 'to." Iwinagayway niya ang phone niya sa harap ni Lexi.
"Galit ka rin naman kay Sky, 'di ba? Bakit mo siya kinakampihan?"
"Sinong nagsabing para 'to kay Sky? Para 'to kay Clark, dummy. Tingin mo aalis ako ng Pilipinas na wala man lang ginagawa? Tingin mo hahayaan ko lang na sirain siya nang isang kagaya mo? Nope." Naglakad siya palapit kay Lexi. "I'll end you right here, right now."
For a moment, akala ko sasaktan niya si Lexi kaya tumayo ako sa gitna nilang dalawa. "Tama na."
"Get out of my way," sabi sakin ni Monique.
"Can... Can you just leave her alone?"
"Pagkatapos nang lahat ng ginawa nang babaeng 'yan? Are you out of your mind?" she blurted out.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...