🌺 Chapter Seventy Five 🌺

222 7 1
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites
.
.
.
Chapter Seventy Five

Sky's POV

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Hawak-hawak ko ang kamay ni Clark habang pababa ng stage pagkatapos ng concert. Doon ko pa lang tuluyang naramdaman ang panlalambot ng tuhod ko. Agad naman akong inalalayan ni Clark.

"Are you okay?" he asked worriedly and stopped walking.

Sa halip na sumagot, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Clark... Naaalala mo na ba talaga ako?"

He smiled and nodded. "I do."

"Talaga?" Agaw hininga kong tanong. Hindi pa ako makapaniwala. Nagbalik na ang alaala ni Clark... He can finally remember me. "Paano? Kailan pa?"

Kinuha niya ang mga kamay ko mula sa mukha niya at pinisil ito. "Do you remember the night na naaksidente ako malapit sa condo mo? That accident triggered my old memories to come back."

Naiyak na naman ako bigla. All this time, nakakaalala na pala siya. Hinila ko siya palapit at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. "Bakit... bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko habang humihikbi.

"I'm sorry, mahal," bulong niya sa tenga ko habang nakaakap naman sa likod ko. "I just had to wait until you realize that you still love me too."

"Hindi naman ako tumigil eh." Saka ko lang napansin ulit ang braso niya. "Teka. 'Yung cast mo? Akala ko--"

He moved his arm and showed me that it's better now. "I had it removed a few days ago. Two weeks lang talaga ang sabi ng doktor pero gusto ko kasing i-surprise ka and also buy me sometime na rin para makasama ka. I'm sorry that I lied."

I sighed and shook my head in disbelief. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na... Naalala mo na ulit ako."

It was his turn to hold my cheeks with his palms. "I thank God everyday for bringing my memories back, but I'm more thankful that He brought me back to you."

Ang sweet. Lalo tuloy naging jelly ang mga buto ko.

"Cheesy!" sigaw ni Aims mula sa likod na naging cue namin para lumayo nang konti sa isa't isa. "Mamaya na ang lambingan. May naghihintay sa inyo sa dressing room."

Napataas ang kilay ko. "Sino?"

Pero hindi na hinayaan ni Clark na makasagot si Aims. "Let's go," sabi niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang room backstage.

He opened the door at sa loob nag-aabang ang buong pamilya niya. Sabay-sabay silang tumayo nang makita kami.

Tumakbo kaagad si Maggie papunta sa akin nang makapasok kami sa loob at niyakap ako. "Ate Sky!" sigaw niya. "I'm so happy to see you again."

Niyakap ko siya pabalik. "Ako din, Maggie." I actually missed this adorable lady. Para kasing matagal na kaming magkakilala kahit isang beses pa lang kami nagkita. Madalas din kasi kaming magka-chat lalo na noong busy si Clark kaya mas naging close kami. "Kamusta?"

"I'm great," she answered with a sweet dimpled smile.

Biglang nanlamig ang kamay ko nang lumapit ang mga magulang ni Clark. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, lalo na nang tumayo si Mrs. Stevenson sa harap ko. She was expressionless kagaya nang unang beses ko siyang nakita.

"Mom, Dad," he began saying. He held my hand tightly, non-verbally telling me na hindi ko kailangang matakot. Na ngayon, kasama ko na siyang tatayo sa harap ng mga magulang niya. Naiiyak na ako pero pinilit ko pa ring magmukhang kalmado."I know you've met her before, but I want to officially introduce you to my girlfriend, Sky Agustin... Sky," he looked at me. "These are my parents."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon