Chapter Sixty Four

333 17 13
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Sixty Four
.
.
.
"And then... you told me you like me," kwento ko sa kanya habang nakaupo kami ulit sa wooden floor ng patio sa likod bahay.

Inabot na kami ng gabi sa dami ng naikwento ko sa kanya kaya gumawa na rin kami ng bonfire sa may tapat namin habang nakaharap din kami sa ocean view. Super comfy and romantic. Parang panaginip na nagkatotoo.

Nakaupo siya sa may likuran ko habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. I couldn't help but blush a little bit dahil sa pwesto namin pero I guess, normal naman na ganito ka-close dahil kami na ulit, 'di ba? 'di ba?

"Kinilig ka naman," rinig kong sambit niya.

"Syempre," wala nang pagde-deny kong tugon. "Sobrang crush kaya kita no'n. I obviously liked you first."

"I don't believe you," sabat naman niya. "I'm pretty sure I liked you first."

"Ano ka? Paano mo nasabi eh hindi mo naman naaalala?"

"I...I just know."

I pouted. "Syempre mas alam ko 'yun. Hindi pa tayo nagkakausap, fan mo na ako eh. I liked you the first time I heard you perform."

"You were a fan of me--impressed, inspired, pero hindi mo pa ako gusto," pagpilit niya na parang mas alam pa niya ang feelings ko. "I'm pretty sure I started to fall for you as soon as I met you in the music room."

"Pretty sure ka dyan? Basta. Whoever liked who first, ang importante we both did like each other eventually," sabi ko nang may ngiti.

"True," bulong niya sabay halik sa gilid ng mukha ko. "How are you feeling?"

"Hmm?"

"I know you checked your phone earlier," sabi niya with concerned voice. "Alam kong nakita mo ang mga bagong tweets ni Lexi."

"Tss," I huffed. "It's alright. Wala namang bago. Tagahatid pa rin ng fake news ang dati kong kaibigan."

"I'm sorry. It's all my fault." May lungkot sa boses niya kaya napatingala ako sa kanya.

"Anong sorry? Hindi mo naman kasalanan na ganun ang ugali niya eh."

I felt him enclosed me with his arm, at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"If I didn't lead her on... Kung hindi ko sana siya binigyan ng atensyon dati... Hindi ka sana niya tinatrato nang ganito. Kasalanan ko 'to, Sky. I'm sorry."

Naalala ko ang una nilang pagkikita. Medyo masakit isiping may katotohanan din ang sinasabi niya pati ni Lexi noong huli kaming mag-usap. Clark made her feel like there was something going on between the two of them. Hindi man sinadya, umasa pa rin si Lexi.

"Bakit kasi..."

Nabasa na niya sa boses ko kung anong gusto kong sabihin. Naramdaman ko sa likod ko ang paghinga niya nang malalim.

"Noong time kasing bumalik ako...sobrang gulong-gulo ang utak ako," kwento niya. "Akala ko magiging okay lang ako kapag tumagal pero nang makasama ko na kayong lahat, I felt so confused. Gusto kong may maramdaman at maalala habang kasama ko ang mga dati kong kaibigan... Pero wala. I couldn't even remember how to treat them, to be friends with them. Kaya naging awkward ako. I felt weird around them. I felt...alone. Kaya, nang makita ko si Lexi, pakiramdam ko siya lang ang sigurado akong hindi ko kakilala dati. She's from my present and that gave me a little bit of comfort."

I just looked up at him and nodded habang nagkukwento siya. Parang unti-unti rin akong nalilinawan kung bakit ganoon dati si Clark. Kung bakit siya ilag sa mga kaibigan niya noong una. I realized I shouldn't have judged him too easily.

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon