Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Forty Six
.
.
.
Kinakabahan ako.Ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng hotel room na pinagsisteyan ni Clark. Akala ko nga nakatira siya uli sa dating bahay nila pero sabi ni Maggie hindi pa daw siya umuuwi don.
Si Maggie din ang nagsabi sakin kung anong number ng room ni Clark bago ko siya ihatid sa airport kanina. Siya na din ang gumawa nang paraan para makapasok ako sa building since heavily secured ito.
Nagawan na niya lahat nang paraan. Ang kulang na lang ay i-ring ko ang doorbell.
Pero hindi ko magawa. Sobrang kinakabahan ako. Ano kayang magiging reaksyon ni Clark kapag nakita niya ako dito? Saka alam ko rin ba kung anong sasabihin? Sobrang nagpa-panic ang utak ko.
Katukin mo na, Sky! Ano bang hinihintay mo? Pasko?! Baka wala na siya dito no'n.
Huminga ako nang malalim at pinindot ang buton sa gilid ng pintuan.
Walang nagbubukas ng pinto. Ang sabi ni Maggie sure daw siya na nasa loob si Clark since tinanong niya ito sa assistant niya kanina. Umalis kaya siya?
Tinry ko ulit i-ring ang doorbell nang dalawang beses.
Nagwawala ang mga bulate o kung ano mang halimaw ang nasa tyan ko. Hindi ko na tuloy sure kung gusto ko ba talagang pagbuksan ako ni Clark o tumakbo na lang pauwi at magtago sa loob ng closet ko hanggang sa kumalma.
Bakit ba kasi ako ganito kakabado 'pag dating sa kanya?
Biglang bumukas ang pinto at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan.
Si Clark.
Oo, tama. Enough na siya para tumalon ang puso ko pero mas lalo akong nag-palpitate nang mapansing nakatwalya lang siya.
Shoot.
Kalalabas lang siguro niya ng shower kaya basang-basa pa ang buhok niya at ang katawan niya. Hindi naman sa tinitigan ko noh... Huwag niyo akong paghinalaan please. Hindi lang talaga ako bulag.
Agad akong tumalikod. Naramdaman ko ding nag-init ang pisngi ko.
Kalma, Sky. Huwag kang ganyan.
"Sky?" narinig kong turan niya.
"Hmm??" sagot ko na hindi pa rin lumilingon.
"What are you doing here?" suplado niyang tanong.
"Ah... Ano kasi..."
"Bakit ayaw mong humarap?"
"Ano kasi..."
Siguro ay napansin niya kung bakit. "Oh. You can look. It's okay."
"Ha?" kabado kong sambit.
"Pwedeng kang humarap, Ms. Bingi."
Lalong nanlamig ang kamay ko kahit may pagka-cold ang tono niya. Buset. Buset. Ano bang nangyayari sakin?
"Hindi ba pwedeng magbihis ka muna?"
"Ayoko."
Tsk. Tsk. Sinusubukan ba ako nito?
"Please?"
"It's either you'll look at me or I'll close the door. Ikaw ang nang-istorbo nang paliligo ko tapos ako pang mag-aadjust?"
Napalunok ako. Breathe in. Breathe out. Sus. Hindi naman siya hubad as in hubad ah. Saka nakita ko na naman ang abs niya dati noong nasa college pa kami. Ano bang pinoproblema ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/77568896-288-k60688.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...