Chapter Fourteen

247 8 2
                                    

Heartstrings Attached II
by thatwallflowerwrites

Chapter Fourteen

Natahimik ang lahat sa paligid ko. Pero hindi ko magawang tumingin pabalik sa kanila.

Halos nanginginig ang laman ko sa sinabi ni Louis. Halos kumawala ang puso sa dibdib ko.

"She was the girl you were with before the accident," paliwanag ni Louis. "You were on her way to seeing her bago ka maaksidente. Siya--"

"Tama na, Louis," pagsusumamo ko. Liningon ko sila. Nakatayo lang si James at nakatitig kay Louis na nasa harapan niya. "Tama na."

"No, Sky," sagot ni Louis. "It's about time. Clark has to know."

Ibinaling ko ang tingin kay James. Pero hindi ko siya mabasa. Blanko ang mukha niya.

Gusto ko siyang tawagin. Gusto ko siyang tumingin sakin. Pero natatakot ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.

"What are you talking about?" tanong niya kay Louis. "Are you playing with me?"

"No, Clark," sagot ni Louis. "It's the truth Sky is--"

"Don't call me Clark! My name is James. James!"

Umiling si Louis. "You are Clark to us. You are Clark to Sky. Alam ko hindi namin dapat sabihin sayo. Pero panahon na para malaman mo ang totoo. Para hindi mo tinatrato na parang basura ang mga taong nagpapahalaga sayo."

He smirked. Bitterly. "Really? Is that why you didn't tell me the truth? All of you?" Tumingin siya sa lahat ng nasa paligid niya bukod sakin. "You all know that truth but chose to make me look like a fool."

"Hindi totoo 'yan," paliwanag ni Mike. "We had no choice. Your parents--"

Hindi niya na pinatapos si Mike. "My parents? Are you gonna tell me my parents told you to lie to me? And you chose to follow them? You still chose to make me look like an idiot?"

Sa kalagitnaan nang mainit nilang paguusap, dumating naman bigla si Lexi. Lumabas siya sa pinto with a confused face.

"What's going on?" nagtataka niyang tanong. Napansin siya siguro sa mga mukha naming lahat na may komusyon.

Walang nakasagot saming lahat. Nakikita ko lang ang malakas na pagbaba at taas ng dibdib ni James. Parang nadudurog ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na hindi namin ginusto ang lahat nang nangyari. Pero hindi ako makagalaw. Ang bigat bigat ng katawan ko. Pati ng dibdib ko.

Bago pa ako makapagsalita, biglang kinuha ni James ang kamay ni Lexi. "Let's go."

Bakas sa mukha ni Lexi ang pagkalito. Pero hinayaan niyang hilahin siya ni James papalayo sa amin. Ni hindi man lang siya tumingin sakin. Bigla akong naging hangin para sa kanya.

Wala sa aming nagkalakas ng loob para habulin sila. We are all frozen. Hanggang sa hindi na kinaya nang mga binti ko at napaupo na ako sa sahig.

Agad silang lumapit sakin.

"Sky," ani ni Kim na hawak hawak ako sa balikat. "Okay ka lang?"

Umiling lang ako habang nakatingin sa sahig.

"We'll talk to him, okay?" sabi naman ni Mike. "Everything will be fine."

"Bakit?" marahan kong tanong. "Bakit mo kailangang... Bakit mo kailangang sabihin 'yon sa kanya?"

Lumapit sa akin si Louis at lumuhod sa harapan ko. "I'm sorry, Sky. Kailangan na niyang malaman ang lahat. Hindi ka niya dapat tinatrato nang ganito."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon