Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Thirty Seven
Nilapag ko ang lahat ng gamit ko sa desk sa office at dumiretso sa studio dala-dala ang laptop ko.
Inabutan ko si Louis na magisa sa loob. "Boss, pasensya na medyo late ako."
Lumingon siya sakin at ngumiti. "No problem. Kamusta?" He also looked tired.
"I've already finished some of the songs," sabi ko at umupo sa couch. "Pero siyempre draft version pa lang. I'll still need your opinion."
Tumango niya at iniharap ang rotating chair niya sa akin. "But first, how are you?"
I breathe in deeply. "I just can't believe it, Louis. Hindi ko in-expect na magagawa niya 'yon."
Marahan siyang naglakad at umupo sa tabi ko. "Hindi natin alam kung anong nangyari. We don't know the real reason why they chose to change the song or why they decided not to have us."
"It's obvious, Louis. He doesn't want us."
"We don't know that. Siguro hindi pa siya handa. Baka hanggang ngayon confused pa rin siya."
"Confused?" sabi ko frustratedly. "Louis, kasama ko lang siya kahapon. He acted like he already knew what he wanted. He made me feel na okay na kami. Tapos biglang malalaman ko..."
"We still can't blame him for everything."
"Well, I do. I blame him for everything, Louis." Pilit ko nang pinipigilang maiyak ulit. "'Yung nangyari sa kanya dati, oo kasalanan ko 'yon. Pero ito? It's his fault. Pinili niyang hindi tayo piliin. He had the chance to give us a chance but he chose not to."
Natahimik si Louis. I know in his head, alam niyang may point ako. Alam niyang kahit pagbalik-baliktarin natin ang sitwasyon, may kasalanan si Clark sa nangyari.
"But in the end of the day, it's just work, Sky," marahan niyang bigkas. "'Yung kanta, 'yung concert, that's just business. Hindi naman ibig sabihin dapat na din nating sukuan ang personal relationship natin sa kanya."
I shook my head. "Basta ako, hindi ko na isisiksik ang sarili ko sa kanya. He can do whatever he wants with that song. Pero hanggang hindi niya nari-realize kung gaano kaimportante ang mga kaibigan niya, ang past niya, hindi na rin niya deserve maging part ng present ko."
---
"What's up, Sky? Antagal natin 'di nagkita. Kamusta?" tanong ni Kyla ng bumalik ako sa office.
Wala akong naisagot kundi isang malamlam na ngiti.
"Did something happened?"
"Let's just say, these past few days made me realize a lot of things," sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Aalis ka na agad? Nakapag-usap na kayo ni Boss?"
Tumango ako. "Okay na. Nakapagpaalam na rin pala ako."
"Para saan?"
"Nagdesisyon kasi ako na hindi muna pumasok. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero... I really need a break."
"Talaga? Bakit naman?" nagaalala niyang tanong.
"Well," I sighed. "Gusto ko lang lumayo dito. Babalik naman ako kapag okay na ako."
She gave me a small smile. Malamang ay narinig na niya kay Louis kung anong nangyari. "Basta Sky, nandito ako ah. Saka si Shawn. Kung kailangan mo nang makakausap."
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...