Chapter 6
"Sky," narinig kong tawag ni Louis sa harap ko. "What are you doing?"
I look up, pointing at the laptop on the table in front of me. "Working."
"Seriously? Lahat sila nando'n sa beach, samantalang ikaw nandito at nakatutok sa computer mo?"
"Well, I wasn't here to just have fun, right? Tatapusin ko na muna ang trabaho bago ako magpakasaya. If I would be able to, that is," sabi ko habang ibinabalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
He gives me a smirk. "Why so cynical, Sky?"
Ngumiti ako pabalik. "Nope. Just being useful."
He sighs and says, "Sky..."
"I know, I know. I should take it easy. Hindi ako dapat ma-stress at umiwas dahil nandito si James. Okay, Boss. I get it," ani ko.
"Sky, what I was gonna say is, you shouldn't do this all by yourself. Tanda mo ba ang sabi ni Alvin? James should write one of the songs this time."
"Ayon ay kung susunod siya. Tingin mo ba?" tanong ko. "E parang wala naman siyang balak eh."
"Wala naman siyang ibang choice. Management na niya ang nag-decide. And you should not be scared of trying..."
"Trying to?"
"Talk to him. Chance niyo na makapag-usap ulit, Sky. Hindi mo kailangang matakot. Si Clark pa din naman 'yon."
Napatigil ako sa sinabi niya. Actually, tama lahat iyon. Ayaw ko lang aminin. Takot akong kausapin siya. Para kasing ulit na naman sa umpisa. 'Yung first time ko ulit siyang nakilala. 'Yung nakakakaba sa medyo nakakahiya. Kasi alam ko na for him ganoon naman talaga ang sitwasyon. Para sa kanya, kakakilala palang namin.
"Sky, alam ko hindi agad mababawi nito lahat ng nangyari sa inyo. But it can be the first step."
I knew it was Louis' plan all along. Na paglapitin kaming dalawa. "Thanks, Lou. Sana nga," I say with a sigh.
"No problem. But for now, itabi mo muna 'yang trabaho, okay? Sunod ka sa beach?"
Tumango ako at ngumiti.
"Good." Ngumiti rin siya at tuluyan nang pumunta sa iba naming mga kasama na kundi nagsi-swimming ay nagsa-sun bathing.
***
Halos alas diyes na rin ng magkayayaan nang matulog ang lahat pagkatapos ng buong araw na pagsi-swimming at paglalakwatsa sa resort. Pero magaala-una na hindi pa rin ako makatulog. Kung anu-ano kasing tumatakbo sa isip ko. At halos lahat ng iyon ay tungkol lang sa isang tao.
Ang hirap naman kasi na hindi alalahanin no. 'Yung mga panahong nasa university pa kami. 'Yung mga panahong kasama ko pa siya. 'Yung mga panahon bago ang aksidente.
Ang hirap isiping lahat 'yon, sa akin na lang may halaga. Ako na lang ang makakaalala. Ang sakit isipin, besh. Paano na lang kung mawalan din ako ng memorya, e di parang hindi na din 'yun nangyari? Parang mawawala na rin ng halaga ang lahat.
Ang unfair naman no'n.
Hindi ko na kinaya at tumayo na ako sa kama. Mahimbing nang natutulog si Kyla sa gilid ko. Buti pa siya, nabanggit ko sa sarili.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba papunta ng kitchen, "Makapag-tsaa na muna." Ito na lang kasi ang pwede kong inumin ngayon. Hindi na ako pwedeng magkape dahil alam niyo na. Sapat na ang napagdaanan ng puso ko. Ayaw ko na siyang pahirapan pa lalo. Hot choco sana kaso...ito ang iniinom namin ni Clark noong araw na naging kami. Naalala niyo pa? Ako naalala ko pa. Siya, hindi na.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...