Chapter Sixty Nine

330 20 23
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites
.
.
.
Chapter Sixty Nine

Dali-dali akong sumakay ng taxi. Muntik ko na ring makalimutang magsapatos dahil sa pagmamadali.

Hays, Sky!! Bakit kasi tinapon 'yung bulaklak? Bakit di mo man lang tiningnan? Tsk. Galing talaga.

Sa sobrang guilt ko inilagay ko ang mga red roses sa pinakamagagandang vase na meron ako sa bahay. Buti na lang at hindi siya masyadong nadumihan. Akala ko talaga kasi kay Shawn galing eh. Pero okay na rin 'yon. At least nakausap ko na siya. Nawalan ako ng bigat sa dibdib kahit papaano.

Dahil sa sobrang traffic, halos isang oras bago ako nakarating sa Edmonton. Sumabay pa kasi sa rush hour eh. Alas sais ang nakalagay sa card na galing kay Clark. It's 7:45. Malamang kanina pa siya naghihintay sa akin.

Hindi ko rin alam kung anong ine-expect ko. Wala kasi siyang ibang ibinigay na detalye. Si Aims naman hindi ko na rin ma-kontak. Lahat sila parang busy dahil wala man lang nakakapansin ng message ko sa group chat namin.

Teka lang. Bakit parang ang daming estudyante sa papasok ng university? Ang pagkakaalam ko hindi naman sila nag-o-offer ng night classes dito ah.

I fixed my black baseball cap. Kainis lang at wala akong dalang facemask. Sa takot na makilala ng mga estudyante, mas ibinababa ko na lang ang cap ko.

I walked straight to the gate pero hinarangan ako ng isa sa nga estudyanteng nakabantay sa entrance ng school. Kinabahan ako bigla. Baka nakilala nila ako.

"Miss, ID niyo," sabi ng lalaki. Tumingin ako sa ID niya at nakitang isa siyang 4th year student.

"Po?"

"Mga tiga EU lang ang pwede sa loob," sagot niya.

"Talaga? Ano bang meron?"

"Private concert. Bawal taga-labas."

Concert? Kanino? Kay Clark? True ba this? Wala namang nagsabi sa akin na may concert dito ah. Sobrang na-curious ako. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang ganap dito. Kailangan kong makapasok sa loob.

"Alumna naman ako dito eh. Please. Kailangan ko lang makapasok."

"Hindi ko alam kung pwede eh." Napakamot siya sa ulo. "Ang sabi kasi current students lang. Super limited lang kasi ang pwedeng pumasok."

"Please. Please," pagsusumamo ko. "Kailangan ko talagang makapasok sa loob. Importante lang talaga."

"Bakit po ba? Pwede namang sa ibang araw na lang kayo pumunta."

"Nasa loob kasi si Clark ngayon. I need to see him."

"Clark?"

Tumango ako. "James Stevenson. Please. Papasukin niyo na ako."

"Hays. Kumalat na pala agad ang balita. Bilin pa man din sa mga estudyante huwag ipagkakalat eh."

"Hindi naman studyante ang nagsabi sa akin. Si Clark mismo," paliwanag ko. Sana lang maniwala siya sa akin. Naalala ko tuloy 'yung security sa concert almost three years ago na hindi naniwalang kakilala ko si Clark.

Biglang namilog ang mga mata niya. "Weh? Ano ba niya kayo?"

Huminga ako ng malalim bago bumulong sa kanya. "Girlfriend."

Hindi ko alam kung natatawa siya o nawiwirduhan. Nakatingin lang siya sa akin na parang inaaral maigi ang mukha ko.

"Ikaw po ba 'yung Lexi?"

"Ha?!" bulalas ko. "Hindi ah! Hindi ako si Lexi."

"Kung hindi kayo 'yung Lexi e di kayo si..." Nakatitig siya sa akin habang nag-iisip. "Sky?! Sky Agus--"

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon