Chapter Fifty Six

307 16 8
                                    

Heartstrings Attached II
by thatwallflowerwrites

Chapter Fifty Six
.
.
.
"A--anong sabi mo?" bulalas ko.  "Anong tinawag mo sakin?"

I could feel the chills on my skin. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa narinig ko.

Ngumiti lang siya. "Kinilig ka ba?"

"Ha? Niloloko mo ba ako?" buong inis kong sambit.

"Chill, Sky. Ayun naman ang tawag ko sayo dati, 'di ba?"

"Paano mo... Paano mo naman nalaman?" Natigilan siya nang kaunti. "Hindi ko naman nakwento--"

"Nakuwento sakin ni Mike," he cut me off. "Did it upset you? Sorry. I was just..."

"Kung magloloko ka, please, huwag ganyan. Hindi nakakatuwa."

Naglakad ako palayo, papunta sa bintanang tambayan namin dati.

"I'm sorry," bulong niya sa tabi ko.

"Basta huwag mo nang uulitin," sabi ko.

"I can't promise anything," sagot niya.

I looked at him with sharp eyes. "Nananadya ka ba? Saka bakit mo ako dinala dito? Ano bang trip mo?"

I heard him sigh. "Namiss ko lang 'tong lugar na 'to."

"Ilang beses ka pa lang namang nagpunta dito ah."

"Ako ba ang may amnesia o ikaw?" aniya. "Ako pa rin 'to. Dito rin ako grumaduate, 'di ba?"

I pressed my lips into a thin line. "Sorry."

Marahan niyang ginulo ang tuktok ng buhok ko. "It's alright," he said with a smile... Yung nakaka-good vibes. Yung nakakatunaw ng galit saka inis.

Ipinatong niya ang kaliwang siko sa bintana at nagpangalumbaba. He inhaled the air coming from outside. He looked so peaceful. It's actually the first time that I could see him like this simula nang bumalik siya mula sa States. Parang malaking bigat ang nawala sa mga balikat niya.

Siguro dahil nakapagdesisyon na talaga siyang umalis. At siguro masaya siya sa desisyon niya. Maybe he really wanted to go.

I also breathe in deeply and closed my eyes. It's alright, Sky. Dapat masaya kang masaya siya.

Nang iminulat ko ang mata ko, nakita kong nakatitig lang siya sakin.

"Bakit?" mahina kong tanong.

Umiling lang siya.

"Tsk." Humarap na lang ako sa labas bago pa ako tuluyang mamula dahil sa titig niyang kahit kailan ay hindi nawalan ng effect sa munti kong puso. Some things would never change.

"I missed you," marahan niyang turan.

"You're leaving," sabat ko kaagad. "Kaya please, huwag nating gawing mas komplikado ang set-up nating 'to."

"Doesn't change a thing. I still missed you."

Lumingon ako at nakitang hindi nagbago ang ekspresyon niya. There's still a smile playing on his lips.

Nakakainis. Bakit parang ako lang ang naapektuhan dahil aalis na siya nang tuluyan? Bakit parang hindi siya malungkot?

"I missed your smile... I missed your laugh. I missed every bit of you. Masama ba 'yon? Masama bang magsabi ng totoo?"

Imbis na sumagot naglakad na naman ako palayo. Pero nahawakan niya agad ang braso ko.

"Alam kong..." I heard him swallow. "Alam kong hindi mo na ako gustong makasama sa ganitong paraan pero... pwede bang--pwedeng makahingi ng huling favor?"

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon