🌺🌺🌺
One year and six months passed...
Puno na ng mga puting rosas ang paligid, bukod pa 'yan sa mga nagagandahang halaman sa loob ng napakalaking garden venue kung saan naroon ako ngayon.
Ready na ang aisle. Nakagayak na rin ang mga upuan. Tine-test na rin ang lahat ng equipments na gagamitin mamaya sa ceremony.
Everyone's so busy kaya bumalik muna ako sa kwarto kung saan ako magbibihis.
"Ano na bes? Bakit hindi ka pa ready?" tanong ni Aims habang inilalagay ang hikaw sa kanan niyang tenga. Suot na rin niya ang lavender dress para sa mga abay.
Nakabusangot akong napaupo sa kama.
"Bakit? Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong niya.
"Hindi," bad-mood kong sagot. "I turned off my phone."
"Ha? Paano mo malalaman kung makakarating siya?"
"Dumating siya o hindi wala na akong paki, okay?" I slumped my back against the bed. "Bahala siya."
I was staring at the ceiling nang maramdaman ko na lumanding ang isang unan sa mukha ko.
"Kunwari ka pa. Magbihis ka na nga lang doon! Kapag tayo na-late ah."
Tamayo ako at kinuha ang dress na naka-hang sa loob ng cabinet. I sighed before going to the bathroom to change.
Hindi na ako nage-expect kasi lagi naman niya akong ini-indyan. Halos sanay na nga akong lagi niyang hindi natutupad ang mga usapan namin eh. Haaays.
Pero grabe naman siya kung pati sa kasal ngayon hindi siya sisipot, di ba?
🌺🌺🌺
"Wala pa ba siya?" tarantang tanong ni Mike sa akin habang nagkukumpulan kami sa dulo ng aisle.
"Malay ko," I said nonchalantly.
Isang disappointed na iling na lang ang naisukli niya sa akin. Alam kong hindi lang para kay Clark ang disappointed look niyang 'yan, pati na rin sa'kin.
"Tsk. It's almost time bakit wala pa siya?" sabi naman ni Louis na gwapong-gwapo sa suot niyang dark blue suit. "He told me he's already on his way nang tinawagan ko siya kanina."
"Punta na lang ako sa may entrance. Doon ko na lang aabangan," sabi ni Mike sabay takbo papunta sa gate.
"Bakit naman kasi ngayon pa ang arrival date eh alam niyang ngayon ang kasal?" nagrereklamo nang sambit ni Aims. "Ano, Sky, hindi mo pa rin tatawagan?"
Isang nagmamagandang irap lang ang nagawa ko. Bakit kailangan kasing ako ang tumawag? Ako ba nanay no'n? Sumbong ko pa siya sa mommy nya eh! Peborit kaya ako nun.
"Seriously, if Clark chooses to bail and ruin this day, I. WILL. KILL. HIM," sabi naman ng parating na si Monique.
She's so elegant in her lavender dress with a long slit, baring one of her long legs. Pare-pareho ang kulay pero iba-iba ang mga style ng dresses na suot ng bridesmaids kaya normal lang na mas sexy at fashionable ang style ng sa kanya. Supermodel 'yan eh.
Tumango ako in agreement. Seryoso, hindi ko pipigilang balatan siya ng buhay ni Monique kapag hindi siya makarating sa oras.
"Ten minutes," sigaw ng isa sa mga organizers na naka-black. Kinakabahan na lahat. Nasan na kasi 'yung mokong na 'yon? Hayts.
"He's here!" narinig naming sigaw ni Mike after a few minutes.
Napalingon kaming lahat. He's walking towards us kasama ng isang anghel--ahem. Ahm.. Mali, I mean, si ano, si Clark... Teka, si Clark nga ba 'yon? Ba--bakit ganyan kagwap--Wait! Bakit kahit ang utak ko nauutal?!
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...