Chapter Forty

256 8 3
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Forty

"Shawn," bulong ko kanya. May iba na kasing tao sa table namin. Nakaupo na rin si Pete, at ilan pang kamag-anak. Kakatapos lang din ng program kung saan nag-celebrate sila ng 30th anniversary ng DVM.

Kumakain na lahat bukod sa daddy ni Shawn na umalis kanina pagkatapos ng speech niya.

"Saan nagpunta ang daddy mo?" mahina kong tanong.

"May kinakausap na clients sa suite niya sa taas," paliwanag ni Shawn.

"Ah." Parang nakahinga ako nang kaunti. Medyo naguluhan kasi ako sa sinabi niya kaninang may mahalaga kaming paguusapan. Wala lang siguro 'yon kasi ano namang pag-uusapan namin, 'di ba?

Nagsimula silang magpatugtog ulit ng music at inengganyo ang mga bisita na sumayaw sa gitna.

Nagtayuan ang ilan sa mga tao at patuloy na in-enjoy ang party. Pati ang ibang nakaupo sa table namin ay nakipag-mingle na sa ibang guests.

"So, how's life?" narinig kong tanong ni Pete.

"Good," matipid na sagot ni Shawn.

"Great to hear that. Saan ka nga ngayon nagtatrabaho? SnS ba 'yon?"

Shawn nodded.

"Mabuti at makakabalik ka na ngayon sa DVM. Ang tagal mo ring nawala eh."

Napabaling ako ng tingin kay Shawn. "Aalis ka na sa SnS?"

Sumingit si Pete bago pa makasagot si Shawn. "Of course. It looks like he already got what he came there for."

"Pete!" awat ni Shawn sa kanya.

"Bakit?" tiningnan siya ng masama ni Shawn. "Oh. Sorry," sabi niya sabay zip ng bibig niya.

Naguguluhan kong kinulbit si Shawn. "What's that about?" bulong ko sa kanya.

"Mamaya na, Sky," bulong niya pabalik.

"Anyways, where's Tito?"

"Nasa taas."

"Sayang. Kakausapin ko sana siya about sa bagong business venture ko," Pete stated.

Shawn sighed. "Ano na naman 'yan?"

"Don't worry, Howard. The usual lang 'to. May idine-develop kasi akong hotel sa Tagaytay. Baka interested mag-invest si Tito since mahilig naman siya sa hotels and resorts."

Shawn shrugged.

"Why don't you ask him for me? You can also join me on this project if you want."

Kumunot ang noo ni Shawn. "No way. Alam mo namang wala akong interest sa ganyang klase nang business."

"Tsk. Oo nga pala. Tinanggihan mo nga palang i-manage ang hotel na 'to because all you want is DVM."

"Pete..." Shawn said with a low but threatening tone. "Tingin ko marami ka pang ibang investors na mahahanap sa party na 'to. Why don't you start with Mr. Montenegro over there?" sabi niya sabay turo sa kabilang table

"But I already--"

"Go ahead. Okay lang kami dito," sabat ni Shawn.

Nagbuntong-hininga ang pinsan niya bago tumayo at naglakad palayo sa table namin.

"Are you still hungry, Sky? Marami pang pagkain. Gusto mo ikuha kita?"

Ramdam ko na pilit niyang binago ang topic kaya umiling ako. "Bakit ka nag-apply sa SnS kung tatay mo pala ang may-ari ng DVM, Shawn?"

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon