Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Fifty Four
.
.
.
"Ha?" bulalas ko. "Sa bahay ko?""Bakit? Gusto mo sa bahay ng parents mo?" nangingiti niyang tanong. "Alam kong boto sakin sila Mommy Ganda. Pero nakakahiya naman--"
"Siyempre hindi. Dyahe naman kung dalhin pa kita don noh."
Tumango siya. "I have no other choice."
"Pero--"
"Well," he sighed. "Pwede naman ulit akong mag-check-in sa hotel... Alam mo na, with my cast on... after an accident... by myself. Okay lang. Kaya ko naman siguro."
Nag-umpisa na siyang maglakad palabas pero alam ko namang alam din niyang hindi ko rin siya matitiis at hahayaang mag-isa sa kalagayan niya.
"Sandali lang," sabi ko sabay takbo papunta sa tabi niya. "Sige, papayag ako. Pero hanggang sa gumaling lang ang braso mo ah."
"Of course," sabi niya sabay tigil sa paglalakad. He stood while looking straight at me. "Thanks, Sky."
"May choice ba ako? Tara na," sambit ko at naglakad pero hindi siya gumalaw. "Anong hinihintay mo?"
May kung ano sa tingin niya nang lumingon ako. I didn't know what it was. Umiling lang siya at ngumiti. "Nothing. Let's go."
***
I opened my door and let him follow me inside my condominium unit. Ngayon ko lang din napansin na wala siyang dalang mga gamit.
"Asan nga pala ang luggage mo?"
Napakamot siya sa ulo. "Nasa kotse pa."
"'Yung naaksidente?"
Tumango siya. "Don't worry. Mike already promised me that he'll take care of my stuff and bring it here tomorrow."
"Okay. Ahmm... Siguro pagod ka na. You can wash up first para makapagpahinga ka na," ani ko at itinuro ang C.R. sa condo ko. "The bathrooms over there. Hanap lang ako kung may mapapahiram ako sa'yong damit. "
Dumiretso ako sa kwarto, wala pa ring paglagyan ang kaba sa dibdib ko.
Three weeks lang, Sky. Three weeks. Kaya mo 'yan. Pakatatag ka.
Buti na lang at mahilig ako sa mga oversized na shirts. Sa bottoms lang ako may problema kasi malaki ang height difference namin. Baka walang magkasya sa kanya.
But thankfully, I found a blue plaid pajama pants that is too long I wasn't able to wear. Nabili ko sa online shop pero hindi ko na naibalik dahil sa pagka-busy.
Lumabas ako sa kwarto at kumatok sa bathroom. "Clark, iwan ko na lang 'tong damit sa tabi ng pinto, okay?"
Pero bumukas bigla ang pinto. "Wait," mahina niyang turan.
"Bakit? May problema ba?"
He bit his lip habang nakahawak ang kaliwang kamay sa batok niya. "Actually... Can you help me?"
"Huh?"
"I have to change my shirt," nahihiya niyang ani. "I need your help."
Agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko.
"Just the shirt," dagdag niya agad. "I can't pull it up with one hand. I also have to remove this arm sling before I can change."
I nodded. "Si--sige."
Pumasok ako sa C.R. na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Chill, Sky. Wala kang choice. Walang ibang tao dito na makakatulong sa kanya.
Ipinatong ko ang damit sa lababo bago ako humarap sa kanya. "Akina."
![](https://img.wattpad.com/cover/77568896-288-k60688.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...