Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Thirty Three
"Clark? Iho, ikaw na ba 'yan?" narinig kong tanong ni Tatay nang makahabol ako sa loob ng bahay.
"Good afternoon... po," nahihiyang sagot ni James. Aba'y teka! Nag 'po' ba siya? Ngayon ko lang ata ulit siyang narinig magsabi ng po. Ni kahit anong tagalog nga hindi na siya nagsasalita simula nang makabalik siya.
"Buti't napadalaw ka dito sa amin. Ilang taon ka na naming hindi nakita," sabi ni Mama na hawak-hawak parin si James sa braso.
"Sige, iho. Maupo ka at saluhan mo kaming kumain," ani ni Tatay at bumalik sa pagkakaupo. "Sky, maglabas ka pa ng plato at kubyertos."
Umalis ako at pumunta sa kusina. Hindi ko maiwasang mag-panic nang makalayo na ako sa kanila.
Breath in. Breathe out, Sky.
Nasabi ko naman na sa parents ko na may amnesia si James nung last na umuwi ako. Pero medyo awkward parin saka nakakakaba pa rin na nandito siya sa bahay.
Bumalik ako sa dining area. Napansin kong pinaupo ni Tatay si James sa upuan ko at inilipat ang kinakainan ko sa tabi. Nasa tabi na siya ni Tatay at nasa harap ni Mama. At ako nasa gilid ni James.
Ipinatong ko ang plato sa harap niya. Tiningnan niya ako. "Thanks, Sky."
Tiningnan ko siya pabalik at bumulong. "Umayos ka ah."
"Kain na," sabi ulit ng nanay ko.
"Sige po," sagot ni James at nagsimulang kumain kasama namin.
Halos lumuwa ang mata ko.
Totoo ba yung narinig ko? Si James... nagtagalog?!
"Kamusta ka naman, iho? Okay ka na ba?" tanong ni Tatay sa kanya. "Naka-recover ka na?"
"Okay na po ako," ani ni James na halos may konting accent. I hear him clear his throat para ayusin ang enunciation niya. "Salamat po."
Akala ko tuluyan na siyang kinalawang sa pagtatagalog eh. Buti naman pala at hindi ito napasama sa mga nakalimutan niya.
Tumango-tango si Tatay. "Maigi naman. Pupuntahan ka sana namin noon sa hospital kaso narinig naming dinala ka na ng mga magulang mo abroad."
"Tay," mahina kong saway.
Saglit tumahimik ang mga magulang ko. Kaso naging mas awkward nang wala nang nagsasalita.
"Nak, abutan mo pa si Clark ng ulam oh," utos sakin ng nanay ko pagkatapos ng ilang segundo.
"Ma, James po. James na po ang tawag sa kanya ngayon."
"Ganoon ba?"
"No," James butted in. "Okay lang po. You can call me Clark."
I looked at him strangely.
Bakit ganito siya all of a sudden? Don't get me wrong. Naa-appreciate ko na mukha namang respectful siya sa parents ko. I'm thankful na kahit hindi niya sila maalala, he still tried to talk to them like he still does.
Pero, bakit? Why is he trying this hard? Para lang ba mapatawad ko siya for what he did? Para malinis ang konsensya niya, ganon?
"Oo nga pala, Ma, 'Tay, kailangan nga pala naming umalis... May pupuntahan pa kami ni James," sabi ko habang bilis-bilis ang pagsubo hanggang maubos ang pagkain sa plato ko.
"We're going somewhere?" nagtatakang tanong niya.
I looked at him with intensity. "Nakalimutan mo na? Kaya ka nagpunta dito kasi may lakad tayo, 'di ba?" pagsisinungaling ko. "Kaya bilisan mo na kumain."
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...