Chapter Thirty

281 10 4
                                    

Heartstrings Attached II 💕
thatwallflowerwrites

Chapter Thirty

Naiba bigla ang timpla ng paligid nang dahil lang sa isang bagay na nasabi niya.

One sentence. One question. Nagulo na ulit ang isip ko.

"I mean... I was... Right?" mahina niyang bawi.

"Was," bulong ko.

Was. Past tense. Tapos na. Nakaraan na. Bakit kailangan pang banggitin na parang hindi ako maaapektuhan?

"Nananadya ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi pagalit. Mahinahon ko siyang tiningnan at tinanong.

He shook his head. "No. I'm sorry."

"Ihatid mo na lang ako. Please."

Pero hindi siya gumalaw. He sat there quietly, thinking.

"James naman eh," pagod na sambit ko sa kanya.

"I want to go. Really. I want to leave this freaking place," turan niya. "But... why can't I seem to get away from you?"

Eto na naman siya. At eto na naman din ako. Kahit gaano kasakit at kahirap... Kahit gaano kagulo, bakit parang gusto ko pa ring bumigay sa lahat ng sinasabi niya.

"Why does it feel right to be with you when I don't even know you, Sky?"

Nakita kong namumula ang mga mata niya habang nakatingin diretso sa mga mata ko. I want to touch his face so much. I want to feel his skin on my palms and tell him everything's alright and I am here.

"It doesn't make sense," narinig kong bulong niya. Marahan niyang kinuha ang kanang kamay ko at ipinatong sa dibdib niya. "Why is my heart this loud when I'm with you?"

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso siya sa kamay ko. Ramdam ko din ang lakas ng akin. This is wrong. Wala na kami. Nakalimutan na niya ako. Pero bakit...

"I still like you," sambit ko bigla. Kita ko ang pagkagulat niya. Kahit ako nagulat sa sinabi ko pero kailangan niyang malaman para maintindihan niya ang pinagdadaanan ko. "I still have feelings for you... Kaya sana tigilan mo na 'to. Hindi ito makakabuti sating dalawa. Nililito mo lang ako. Kaya pwede huwag ka nang magsasalita nang ganyan kung ayaw mong umasa na naman ako sa mga bagay na hindi mo kayang ibigay."

Inalis ko ang kamay ko sa dibdib niya pero hinatak niya ito pabalik. Imbis na lumayo katulad nang gusto niya noong una, lalo lang siyang lumapit, not just figuratively but literally.

Hinila niya ako papalapit sa kanya hanggang magkalapit ang mga mukha namin. My heart feels like it wants to get out of my chest.

"James..." I said under my breath.

"Why do I want to kiss you so bad, Sky?" tanong niya habang nakatingin sa mga labi ko.

Napalunok ako sa kaba. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, dali na niyang pinaglapit ang mga labi namin.

He kissed me. Slowly. Intimately. Alam ko sa sarili kong malaking problema lang ang dala nito pero I kissed him back. Eagerly. Like I've been missing this all my life.

A few seconds past.... I'm not sure how long, nang magkahiwalay ang mga labi namin sa isa't isa. Walang nagsalita. I just tried to breathe kasi parang sasabog na ang dibdib ko sa nangyari.

We kissed. I know why I kissed him. I have all the reasons to. Pero naalala ko, he doesn't have much of those reasons...

"Why?" mahina tanong ko.

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon