Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Sixty Three
.
.
.
"Okay ka lang?" narinig kong tanong niya habang paupo sa tabi ko. "Are you crying?""Ha? Hindi ah," deny ko. "Napuwing lang ako. Mahangin kasi eh."
Naramdaman ko ang pagpatong niya ng kumot sa likuran ko. "You must be cold," bulong niya.
He silently stared at the beach in front of us. Hindi ko mapigilang titigan siya.
My mother's words kept repeating in my head. Baka... Baka nga kailangan ko lang kumapit. Baka kailangan ko lang magtiwala.
Inayos ko ang blanket at ikunumot sa balikat niya ang kabilang dulo nito. Parang nagulat siya sa ginawa ko kasi napatitig siya sakin.
"Thanks," sabi niya.
I smiled in reply and sat closer to him. "Nakausap ko si Mama."
"What did she say? Okay lang ba sila ni Tatay Edi?"
Tatay Edi na talaga? Lakas. Pero hindi ko na binanggit. Wala naman akong reklamo eh.
"Okay lang sila. Sinabi nga pala niya sakin na tinawagan mo sila."
"Yeah. I had to."
I gently placed my head on his shoulder. Kasalanan niya 'to eh. Hindi ba niya alam na mas nakakainlove ang lalaking sobrang considerate, lalo na sa mga magulang.
"Are you...okay?"
"Hmm-hmm," I mumbled as I closed my eyes habang nakapatong parin ang ulo ko sa balikat niya. He's so warm. Ang bango pa niya. I just realized that he smelled like how he did before. Hindi pala nagbago ang taste niya sa pabango kahit nawala pa ang memories niya.
"Are you sure?" Nagtataka ang tono niya.
"Yeah. Why?"
"Well... you're just acting weird," aniya.
I chuckled. "Bawal ba? Lalayo ako kung gusto mo." Iaangat ko na sana ang ulo ko nang hinawakan niya ito ay ibinalik sa dating pwesto.
"Don't. Please, stay. Huwag kang lalayo," sambit niya. He didn't let go of my face. He caressed my cheeks and then tucked my hair behind my ear.
"Alam mo bang lagi mong sinasabi sakin 'yan dati? ...Na huwag akong lalayo."
"Siguro dahil palagi mong ginagawa?"
"Hindi ah. Dahil kaya patay na patay ka sakin dati," pagbibiro ko.
Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong nakatawa siya. "That must be right."
I feel him held my hand.
"Did something happen?" marahan niyang tanong.
I shook my head. "I just missed you."
"I'm just here," bulong niya.
I just realized, all this time, hindi ko hinayaang paniwalaan na nandito na talaga siya, na nagbalik na ang dati niyang nararamdaman para sakin. All this time, nakatayo pa rin ang pader na pumipigil saking ibigay din sa kanya ang atensyon at pagmamahal na pinapakita niya.
Hanggang ngayon kasi takot pa rin ako. I was scared that if I let my self give all of my heart again, baka madurog na naman ako. But now... I feel like I'm ready.
With or without his memories, I love him. I love the past and the present him. Wala na akong duda sa nararamdaman ko para sa kanya.
I'll make him feel how I really feel. At kahit pa anong planong pag-alis ang meron siya, gagawin ko lahat to make him stay.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...