Chapter Two
Nagising ako sa mainit na pakiramdam sa mukha ko. Mataas na pala ang araw at naiwan kong bukas ang sliding glass door ng balcony ko sa unit.
Tsk. Papagalitan na naman ako ni Mama pag nalaman niya. Pero masyado na kasi akong pagod kagabi na hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako.
Nakakakalat pa rin nga ang mga papel sa kama ko. Mga drafts 'yun ng mga bagong kantang sinusulat ko.
Ilang buwan na rin nang nagnumber one for the first time si Lexi. Pagkatapos no'n, dumagsa na rin ang mga projects ko. Halos lahat ng mga bagong singers ngayon, gustong gawan ko sila ng kanta. Hindi nga rin ako makapaniwala na pati 'yong mga sikat na at sumusulat din naman eh nagrerequest na rin ng composition mula sakin.
Napapangiti na lang ako sa tuwing marerealize ko na may napapatunayan na talaga ako. Maybe I really deserve to be in this industry, kahit sa likod lang ng entablado basta I can make music, masaya na ako.
Naupo ako at napansin ang itim na gitara sa paanan ko. Hindi ko mapigilang pagmasdan ito habang tinatanong ang sarili kung bakit hanggang ngayon ito pa rin ang gamit ko. I already bought new instruments para mas mapaganda ang trabaho ko pero nothing compares to the songs that I wrote using this guitar.
Siguro kasi... Hayts. Nakakainis. Kahit anong gawin ko para mabuhay na free of his memories, hindi ko magawa. Bakit ba kahit anong gawin ko hindi ko mabitawan ang mga bagay na magpapaalala sakin sa kanya? Pati itong gitara niya hindi ko pa mapaltan-paltan.
I hate being like this. I hate being the old Sky I used to be. It was more than two years ago, freaking two years ago. Nakapagmove on na naman ako, 'di ba? 'Di ba?
I decided na magpahinga na muna ngayong araw tutal marami na naman akong trabahong natapos saka ayoko naman pagurin ang sarili ko, mahalaga kasi na hindi ako stress kapag magsusulat. Baka maging chaka pa ang mga kantang mabubuo ko.
I laid down on my very comfortable white bed at binuksan ang tv. Dito na muna ako sa condo. Bukas ko na lang siguro dadalawin sila tatay samin para hindi naman ako haggard kapag nakita nila ako.
I switched from different channels, skipping telenovelas na wala akong mood panoorin ngayon, hanggang sa mapatigil ako sa isang international entertainment news program.
Hindi ko magawang ilipat kahit na gustong gusto ko. Parang nag-freeze ang mga kamay ko habang hawak ang remote.
"So, James, how's the tour going?" tanong ng magandang blonde na babae habang kausap si Clark, I mean James, sa isang red carpet event.
The shot focused on his fair clear face. I still remember every inch and every curve of that image. May kung ano sa ilalim ng puso ko na unti-unting umaakyat. Isang pakiramdam na alam kong matagal ko nang pinatay.
"Great, great. We've had such a wonderful time visiting different cities every night. I'm so sad we just have a week remaining for this tour this year." He smiled, his dimple very visible for all the viewers to see.
"Speaking of that, James. Everyone is actually wondering why you'd end this tour so early. Are you planning on a hiatus or something? Tell us your plans for this year," tanong ng babae at tinutok muli ang mikropono kay James.
"Well, ahmm," he paused and smiled. "I'm not planning of having a break really but my team and I would be having a project somewhere out of the country. Somewhere really close to my heart."
"Ooh. Interesting. Mind spilling the beans? What type of project is this one?"
"About the project, I really can't say much about it but it has something to do with rekindling with my old ties, you know. I mean, it's something really personal. Ahmm. Involving special people who I wanna work with again after so many years. I think that's all I can say for now. But everyone would definitely like this project for sure."
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...