Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Twenty Five
I went straight home. Kahit gabi na pinilit ko paring umuwi sa bahay ng parents ko.
Pilit ko ring itinago ang emosyon sa mukha ko. Ayokong mahalata nila na may pinagdadaanan ako.
Pagpasok ko ng pinto binati agad ako ni Mama na nanunuod ng telenovela sa sala.
"Sky...Akala ko 'di ka na makakauwi?" sabi niya sabay tayo mula sa sofa.
Lahat nang lakas ko naglaho nang makita ko si Mama. Bigla akong nanghina at tuluyang naiyak.
"Ma..." sabi ko habang palapit sa kanya.
Agad niya akong niyakap. "Bakit, Sky? Anong nangyari?" concerned niyang tanong. "Okay ka lang?"
"Nandito na siya, Ma," sabi ko habang humihikbi. Kaya hindi ako umuuwi ih. Alam kong wala akong matatago sa mga magulang ko. Pero sila lang din ang kahit papaano'y makakapagpagaan ng loob ko.
"Eh bakit umiiyak ka?" aniya habang hinahaplos ang likod ko. "Hindi ba dapat masaya ka?"
"Kasi..." ani ko habang pinipigilang humagulgol. "Hindi na po siya katulad nang dati eh. Hindi na siya 'yung Clark na kilala ko."
"Pero okay na naman siya, 'di ba? Galing na siya?"
"Opo," mahina kong sagot.
"Eh ganoon naman pala eh. Bakit ka umiiyak?" tanong ulit niya. Inupo niya ako sa sofa habang nakapatong ang mga kamay sa balikat ko. "Nakalimutan mo na ba 'yung pangako mo noong umalis siya? Sabi mo basta gumaling siya, basta bumalik siya, kahit ano pa ang mangyari, okay lang sayo. Tatanggapin mo."
Tiningnan ko si Mama at narealize na totoo ang sinabi niya. I've prayed to God over and over. Para lang maging okay siya at makabalik siya nang maayos.
"Tahan na, anak," marahan niyang sambit. "Hindi man kayo magkatuluyan ni Pogi, at least naranasan mo kung paano magmahal at mahalin. At least nakilala mo siya nang mga panahon tama pa kayo sa isa't isa."
Masakit. Pero tama ang nanay ko. Tama kami dati, pero hindi na ngayon. Siguro kailangan ko na lang maging grateful dahil nasagot ni Lord ang prayers ko.
---
Late na ako pumasok. Hindi ko kasi alam kung anong ie-expect ko ngayong araw. Kung pwede nga lang hindi pumasok hindi ako papasok. Kaso nagsabi na ako na tutulong ako kay James sa recording ng kantang sinulat namin.
Kahit na ayoko.
Kahit na alam kong sobrang mahihirapan lang ako.
Pumasok ako sa office at naabutan na nandoon na si Kyla.
"Good morning, girl," bati niya sakin habang nagiinat-inat. "Late ka ah."
"'Morning!" Dumiretso ako sa desk ko at napansing may nag-iwan na naman ng kape na may note. "Nandito na si Shawn?"
Umiling si Kyla. "Wala pa. Dumiretso sila ni Boss sa isang client meeting. Baka mamaya pa silang hapon babalik dito. Bakit mo natanong?"
"Kanino kaya galing 'to?" tanong ko habang hawak-hawak ang note na may nakalagay na 'Good morning.'
Tumayo siya at lumapit sa desk ko. "Ay 'di ko napansin eh. Grabe ka, Sky ah. Madami ka pa lang secret admirer dito," pang-aasar niya.
"Secret admirer kaagad?" umupo ako at hinawakan ang coffee cup. Hindi na siya mainit. Malamang kanina pa 'to nandito at kung kanino man galing 'to, hindi niya expected na male-late ako today.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomansaHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...