Chapter Seventy

456 25 15
                                    

HeartstringsAttached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Seventy
.
.
.
Pumasok ako sa loob ng auditorium. Medyo madilim sa loob pero rinig ko ang ingay ng mga estudyante. Bumukas muli ang ilaw sa stage at mas malakas na hiyawan ang dumagundong sa loob ng building.

"James!!! 7th Strings! Whooooo!" sigaw nila. "Isa pa! Isa pa!"

Sa stage, nakatayo sa gitna si Clark. Hawak-hawak ang gitara na naiwan niya sa akin bago siya umalis papunta sa America.

Paano kaya niya nakuha ng hindi ko man lang namamalayan?

Nasa tabi rin niya ang mga kaibigan niya. Hawak-hawak ang mga instrumentong tinutugtog nila dati.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Naghahanap ng daanan para makapunta sa backstage. Pero biglang nagsalita si Clark kaya napahinto ako sa kinatatayuan ko.

He bit his lip at pumaling sa likod na parang may hinahanap. He looked nervous and then he sighed.

"One more song?" tanong niya sa mga tao. Naghiyawan sila bilang pagsang-ayon.

He looked around one more time bago sumenyas kila Mike. "Let's do it!"

Nag-umpisa silang tumugtog. Saka ko lang napansin... Wala na ang cast sa braso ni Clark. May ilang araw pa bago dapat tanggalin 'yon, 'di ba? Bakit...

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan palapit sa stage. Medyo malayo ako kaya malamang kahit magtatalon ako dito hindi niya rin ako mapapansin.

Tuloy ang pagkanta niya kasama ng buong banda. Hindi ko napigilang maluha. They're back. The members of 7th String were back together again. Hindi ko alam kung ngayon lang 'to, pero ang mahalaga, nakatugtog na sila ulit. Alam ko sobrang namiss nila 'to at sobrang saya ko para sa kanila.

Pinunasan ko ang mga luha ko at binilisan ang pagbaba. Kailangang malaman niyang nandito na ako. Kailangang malaman niyang nakikita ko lahat ng ito.

Hanggang sa ilang hakbang na lang ang natitira bago ako makarating sa baba ng stage. Madilim ang parte kung nasaan ang mga audience pero alam ko...alam ko makikita niya ako.

At hindi nga nagtagal ay nagkatama ang mga mata namin. His eyes suddenly brighten up and his smile grew bigger. There was a dose of energy from his voice.

Patuloy siya sa pagkanta pero ni minsan ay hindi niya tinanggal ang tingin niya sa direksyon kung saan ako nakatayo. It felt like... It felt like he's singing only to me and no one else. Parang walang ibang nasa paligid at kami lang dalawa ang nasa loob ng auditorium.

Hindi ko namalayan na natapos na nila ang kanta. Tumigil na sa pagtugtog ang tatlo at hinihintay na magsalita si Clark.

Pagkatapos ng palakpakan ay tumahimik ang lahat. Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko at ang mahinang paghinga na naririnig mula sa mic ni Clark.

"Hello, everyone," sabi niya sa mikropono pagkatapos maibaba ang gitara niya. "Maybe you were wondering why we're here suddenly. My friends and I are here for a very special reason..."

He bit his lip. May kaba sa mukha niya pero ngumiti siya sa akin.

"Nandito kami kasi may gusto akong ikwento sa inyong lahat... It's about someone I've met on this campus almost three years ago."

Waaah. Ansinasabi nitong gwapong nilalang na 'to? At bakit umpisa pa lang ay nagwawala na agad ang puso ko?

"She's a fan of our band, 7th String, but I've never get the chance to talk to her. I've never really talked to strangers in general. Kasi... I always had a hard time trusting people due to my insecurities. Pero, one day, nakita ko siya sa music room kung saan kami nagpa-practice ng banda. She was holding my guitar and playing our song. And then I heard her sing. And it was beautiful... Her voice was beautiful. SHE was beautiful. So beautiful I had to talk to her."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon