Chapter Fifty Five

312 17 12
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Fifty Five
.
.
.
Kakatapos ko lang magluto ng umagahan, actually parang lunch na din kasi hindi naman ako maaga nagising, nang marinig kong tumunog ang doorbell.

"Mike!" bati ko pagkatapos kong mabuksan ang pinto. "Kamusta? Pasok ka."

Hila-hila niya ang isang luggage at isang black na backpack habang papasok sa loob.

"Okay lang naman. Hindi na nga pala nakasama si Aims kasi busy sa bakeshop," sabi niya habang itinabi sa may living room ang mga dala niyang gamit.

"Ganun ba?" sagot ko. "Upo ka muna. Kumain ka na ba?"

"Okay lang, Sky. Hindi rin naman ako magtatagal. Hinatid ko lang talaga 'tong mga gamit ni Clark," paliwanag nito. "Nasan na nga pala siya?"

"Nasa kwarto pa. Natutulog," sagot ko. "Gisingin ko ba?"

"Huwag na. Alam kong sobrang napagod 'yon kagabi eh." Tumango ako. "Buti nga pala hinayaan mong tumuloy muna siya dito."

"Tsk. May magagawa ba ako? Alam mo naman kung gaano katigas ang ulo ng kaibigan mo. Saka hindi ko rin naman siya matitiis," turan ko. "Lalo na sa lagay niyang 'yan."

He let out a smile. "Don't worry too much. Two weeks lang naman gagaling na rin ang braso niya."

"Two weeks?" nagtataka kong tanong. "Akala ko three weeks ang sabi ng doctor?"

"Huh? Two weeks ba sabi ko?" Napakamot siya sa ulo. "Three weeks ang ibig kong sabihin. Nagkamali lang ako siguro."

"Ganun ba?"

Tumangu-tango siya. "Sige, Sky. Kailangan ko pang bumalik sa office eh."

"Okay. Salamat ah. Sabihan ko na lang si Clark na dumaan ka."

"Thanks. Aims and I will visit soon. Ikaw na muna bahala sa kaibigan ko ah."

I nodded. "Kahit naman magulo kami ngayon, hindi ko siya papabayaan."

"I know that. And he knows that for sure," sabi niya at naglakad na papunta sa pinto. "Sige. Una na ako."

I walked with him to the door. "Okay. Ingat ka."

Hindi nagtagal ay nagising din si Clark. "When did Mike bring my stuff?" tanong niya nang makita ang gamit niya sa living room.

"Kani-kanina lang. Hindi ka na niya pinagising kasi alam niyang pagod ka," sagot ko. "Nagluto na ako. Kain ka na. Ayusin ko lang 'yung kwarto."

Pumasok ako sa bedroom at napansing nakatupi na ang mga pinaghigaan niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sigurado kasing nahirapan siya dahil isa lang ang nagagamit niyang kamay pero tinry niya pa rin. Kahit ngayon lumalabas pa rin ang pagiging considerate niya.

I went back to the dining area pero hindi pa siya nag-uumpisang kumain.

"Bakit? Ayaw mo ba ng food? Gusto mo ikuha kita ng iba?"

Normal na Filipino breakfast naman ang niluto ko ah. Tocino, itlog, hotdog saka fried rice.

He shook his head. Parang tumatalbog ang fluffy niyang buhok na straight from bed. Ang cute din naman talaga nito sa umaga.

"Aren't you gonna eat with me?" cute niyang tanong.

I sighed and sat in front of him. "Ito na po. Kain ka na. Marami ka pang iinuming gamot."

He smiled. His smile is best in the morning, I noticed. Sobrang inosente kasi niyang tingnan.

He started eating kaya gumaya na rin ako. Kaso lang, after some time, napansin kong nakatingin na naman siya sakin.

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon