Chapter One

562 19 3
                                    

Chapter One

"Shoul've been me
Shoul've been you
Should've been u-u-us
Should've been love
Should've been freedom
Should've been, should've been us..."

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakaupo sa likuran ng kotse. I've never imagined na darating ang araw na ito na mapapakinggan ko ang kanta ko sa radyo. That everywhere I'd go, my song would be streaming through the speakers and phones ng mga tao sa paligid ko.

"Should've been us...
Should've been lo-o-ove
Should've been love...
Should've been u-u-us."

Hindi ko mapigilang mapangiti. My song, my baby. Ang layo na ng narating niya. I never thought I'll make it this far in just a year.

"Ms. Sky, nandito na po tayo," ani ng driver ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Coding kasi ako kaya pinasundo na lang ako ni Boss.

Nag-zone out na naman pala ako at narito na kami sa tapat ng recording studio.

"Ay. Sorry, Manong. Salamat," I answered, picking up my things on the seat beside.

I entered the building with a permanent smile pasted on my face. Sino bang hindi sasaya? Eh text ng boss ko ang gumising sakin kaninang umaga saying that my song just hit number one on the Philippine Pop Song Charts today.

Such a beautiful day, isn't it?

"Skyyyy!!" excited na sigaw ni Kyla ng makita niya ako sa hallway. Dali-daling nagtatakbo ang dalaga papunta sakin. "Oh my gosh, Sky! Congratulations! Number 1! Galing mo talaga."

Si Kyla Mishelle nga pala ay isa sa mga production assistants na inassign sakin ni boss. And we've been really close ever since. Bago rin kasi siya noon kaya we've jived in really well.

"Hindi lang naman dahil sakin 'yon. It's everyone's effort. Lalo na ni Lexi," I said.

"Pero kung hindi naman 'yon magiging maganda kundi ikaw ang nagsulat." She linked her arm with mine. "Tara na dali. Kanina ka pa nila hinihintay sa conference room."

We both entered the room and were welcomed by excited faces. Nandito pala ang buong production team ng "Should Have Beens" Album.

"Sky! Good morning. Glad you're already here," sabi ni Madam Zoila na head ng Artist Management Department ng Strings and Stones Music Inc.

"Good morning, Madam Z. Good morning everyone," bati ko sabay naman ang yakap sakin ng katabi niya.

"Oh my, Sky! Thank you! Thank you talaga," sabi ni Lexi Lee, ang favorite na alagang artist ni Madam Zoila at ang pinakasikat ngayon actually.

"Thank you ka dyan?" tanong ko with a smile ng nakawala ako sa mahigpit na yakap niya.

"I'm on Number 1, Sky. And that's all because of you," sabi ni Lexi habang hawak hawak ang mga kamay ko.

"Lexi, it's your song too. Don't give me all the credit," sagot ko. "You're number 1 kasi you deserve it. At saka we have a whole production team to thank for that. Ako lang ang composer."

"Kahit na," aniya na parang naiiyak pa. "I've waited for this for years, Sky. At ngayon, narating ko na rin. Thank you for writing such a wonderful song for me. Salamat talaga!"

Niyakap niya ako ulit. Sobrang saya talaga niya. Well, totoo naman talagang deserve niya ito eh. She have a very beautiful voice. Sobrang saya ko nga ng nalaman kong siya ang kakanta ng sinulat ko. Alam kong mabibigyan niya ng justice ang kanta ko.

"That's true," narinig kong singit ni boss. Nakaupo siya sa dulo ng conference table, with a smile na minsan lang namin makita. Haha. Pa-mysterious kasi madalas 'to eh kaya madalas napagkakamalang masungit. "That was a great song, Sky. You should be proud."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon