Heartstrings Attached II
Chapter 8"Tapos tumingin din siya. Ayyyy! Grabe talaga, Sky. Kung nakita mo lang--Sky? Hoy! Nakikinig ka ba?" halos inis na banggit ni Kyla habang nakaupo kami pareho sa kama namin sa kwarto.
"Ha? Oo naman," sabi ko kunwari. Well, totoo rin naman kasi. Nakikinig naman ako kaso nga lang mayroon din akong ibang iniisip.
"Weh? Parang kanina ka pa wala sa sarili. Okay ka lang ba?"
Tumango ako sabay higa sa kama. "Oks lang."
"Oy. Ano nga palang nangyari sa inyo ni James kanina?" tanong niya. "May naisulat na ba kayo?"
Umiling ako sabay sagot. "Wala at wala ako sa mood na pagusapan."
"Sabi na e! Ano dali? I-chika mo sakin ang nangyari. Kamusta kayo ng ex mo?" excited niyang tanong.
"Baliw!" sigaw ko sa kanya sabay bato sa kanya ng unan na tumama lang sa paanan niya. "Huwag ka ngang maingay baka may makarinig sayo."
"Eh ano naman. Totoo naman ang sinasabi ko ah," sabi naman niya sabay belat sakin.
Umupo ako ulit. "Nakalimutan mo na bang hindi niya pwedeng malaman?"
"Eh bakit kasi? Bakit sila Boss? Alam ni James na magkakaibigan sila dati. Bakit ikaw hindi?"
Kailangan kong huminga ng malalim bago sumagot. "Iba kasi sila eh. Iba kami."
"Paanong iba?"
"Magkakaibigan sila. Ako, boyfriend ko siya--I mean 'naging' boyfriend ko siya."
"Hindi ko pa rin gets," sabi pa rin na na may pag-ngiwi pa ng mukha. "Bakit hindi niya pwedeng malaman na naging kayo."
"Kyla, may mga bagay na mahirap... Mahirap ipaliwanag, okay? Tingnan mo, tayo nga nahihirapan tayong magpaliwanagan, magkaintindihan. Paano pa kaya si James?" paliwanag ko. "Wala siyang naaalala, Kyla. Mahirap sa kanya maintindihan ang mga bagay-bagay. Iniiwasan lang nilang ma-stress si James. Kasi lalong makakasama 'yon sa kanya. Madali lang maintindihan na may mga kaibigan ka dati na may mga kakilala. Pero ako...mahihirapan siyang intindihin kung anong meron kami dati. Mase-stress lang siya sa kakaisip o sa kapipilit na maalala ako. Ayoko naman no'n. Mas mahalaga pa rin na okay siya."
Napatigil siya at tumango din 'di kalaunan. "Kahit na ikaw itong nahihirapan?"
"Kahit na mahirapan ako. Kahit na matagalan. Basta okay siya," I said with a weak, tired voice. "Umaasa na lang ako na...maaalala niya ako. Sana."
Tumayo si Kyla sa kama niya para umupo sa tabi ko. "So umaasa ka pa din na...na maalala ka niya. Tapos babalik sa lahat ang dati?"
Tumulo na ang luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan nang maalala ko kung paano ako kausapin ni James kanina. Kung paano siya nagbago. Kung paano niya ako tingnan. Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko. "Ewan ko. Hindi ko alam, Kyla."
"Hala, Sky, sorry," aniya sabay akap sa likod ko. "Napaiyak pa tuloy kita. Sorry."
"Sira," sabi ko sabay tulak sa kanya ng light. "Hindi mo kasalanan na magulo ang lovelife ko no."
"Ay naku, ateng. Maghanap ka nalang kaya ng bago," sabi naman niya.
Kinuha ko ulit ang unan ko at inihampas sa kanya. This time, sakto sa mukha. Haha.
"Aray naman!"
"Gulo mo kasi eh. Alam mo namang magulo buhay ko tapos lalo mo pang paguguluhin."
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...