Chapter Twenty Two

275 8 1
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Twenty Two

Kumatok ako sa pinto ng office ni Boss Louis. Pinatatawag daw niya ako. Siguro isasama niya na ako ulit ako sa ibang project. Ever since nakabalik kasi kami, 'di pa niya ako nabibigyan ulit ng project.

"Good morning, Sky," bati sakin ni Boss pagbukas niya ng pinto.

Pumasok ako at umupo sa couch sa gilid. "Good morning, bossing."

"How are you?" usisa niya sabay lean sa table na nasa harap niya.

"Do I have to answer that?" tanong ko habang lantang nakasandal ang ulo sa armrest ng couch.

"Baka nakakalimutan mo, boss mo pa din ako," paseryoso niyang banat.

"Asus, huwag mong gamitin 'yan sakin, Louis," sabi ko naman at umupo ng tuwid. "Kung gusto mo lang akong usisain kung okay lang ako o tungkol sa nangyari last week, itanong mo na lang. Ang dami mong echos."

He chuckled a bit. Ako lang ata ang nakakaganito sa kanya sa office na 'to. Pero hindi ko naman siya ginaganyan pag may ibang tao lalo na't empleyado niya. Syempre bossing pa 'din 'to eh.

"I'm sorry kung hindi kita nakamusta these past days," sabi nito habang paupo sa tabi ko. "Medyo naging busy kasi sa studio."

"Nako. Wala 'yon. Alam ko namang marami kayong tinatrabaho."

"So how are you coping up?" he asked.

I shrugged. "I'm okay... I think."

"Hindi ka ba nanghihinayang? Don't you regret it?"

"Alin naman?"

"That you've let him go."

I laughed. "As if naman may karapatan pa akong kumapit. Okay lang ako, Boss. It's about time na magka-closure na talaga kaming dalawa."

"Hmmm," he said, while touching his chin. "So okay ka lang talaga?"

Alam ko namang hindi pa ako completely okay pero ganun din naman 'yon. I'll just have to fake it until I make it.

"Oo nga," ani ko. "Bakit mo nga pala ako pinatawag?"

"Well, that's the thing..." he started to say. "Na-finalize ko na ang production ng kantang isinulat niyo ni Clark. He'll start recording it tomorrow."

Tumango ako. "That's good."

"Pero may request daw siya."

"What is it?"

"Kung pwede ka daw bang sumama sa studio bukas?"

Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. "Louis! Joke ba 'yan?"

"Bakit naman ako magjo-joke nang ganito?"

"Isa na naman ba 'to sa plano mo? Tapos na nga 'di ba? We're done. Bakit kailangang pagsamahin mo na naman kaming dalawa?" halos padabog akong tumayo at hinarap siya.

He shook his head and faced me too. "Gustuhin ko mang pagsamahin kayong dalawa ulit, wala na sa mga kamay ko 'yon, Sky. Ako nga din nagulat. I don't know why he asked you to be there pagkatapos ng nangyari pero he did."

"Do I have to go?" I asked with a confused face.

Umiling uli siya. "Kaya nga kita pinatawag. I want to ask you. Can you do it?"

"Paano kung humindi ako?"

"Your choice," sabi niya. "It's not part of your job anymore kaya depende na 'yan sayo kung gusto mo."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon