Chapter Sixty Two

252 12 6
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Sixty Two
.
.
.
Kahit saang anggulo tingnan, hindi talaga magandang ideya ang pinasok kong 'to. Kusa kong itinaya ang sarili ko sa sakit. Pero... Sa tuwing titingnan ko siya, sa tuwing titingnan niya ako, parang lahat ng logic ko sa utak naglalaho. Wala na akong ibang gusto kundi makasama siya ulit.

Kumpirmado. Ako na talaga siguro ang pinakamarupok na babae sa mundong ibabaw. Tss. Pero masisisi niyo ba ako? Ilang araw na lang ang itatagal niya sa Pilipinas eh. Hindi ko pa ba kukunin ang pagkakataong maranasan ulit na maging masaya kasama siya?

Gusto ko, kahit papaano, magaganda ang memories na babaunin niya. Gusto ko kapag maalala niya ako, hindi bilang Sky na nanakit at nagpahirap sa kanya sa Pilipinas kundi 'yung isang taong nagpangiti at nagpasaya sa kanya kahit saglit lang.. kahit ngayon lang... Pagbigyan niyo na ako oh.

"Sky!" tawag niya habang tumatakbo papunta sakin.

I turned and saw him catching his breath. "Bakit ba kasi tumakbo ka?"

He smiled. "Baka kasi lamigin ka sa paghihintay," sabi niya at isinuot sakin ang jacket na bitbit niya.

Nasa tabing dagat kasi kami at naglalakad-lakad after mag-dinner, nang bigla siyang umalis pabalik sa resthouse para kumuha lang ng jacket para sa akin kahit sinabi ko namang okay lang ako.

Kinuha niya kaagad ang kamay ko pagkatapos at ngumiti ulit. He looks so happy I couldn't help but feel smile too.

We slowly walk along the shore, hawak-hawak ko ang slippers ko sa isang kamay, kamay naman ni Clark sa kabila.

Tahimik lang kami. Siguro ninanamnam din niya ang bawat minuto katulad ko. The stars were beautiful, the waves sound like music to my ears. Malambot din ang buhangin sa mga paa ko habang humahampas ng marahan ang hangin sa mukha namin. Everything seems perfect. It's me, him, and the ocean. Sobrang ganda ng gabing ito.

"I hope I can take you out on a date," marahan niyang turan sa gitna ng katahimikan.

"Hmm?"

"I hope I can shout to the world how I feel about you."

My heart started beating faster.

"I hope I can stop the time and stay here forever."

Why can't you? Why can't you just stay?

"Don't you feel the same?" sabi niya habang nakatingin sakin.

Napalunok ako. "I've missed you," was all I could say after a few seconds. "So much."

Isang malaking ngiti ang ibinigay niya, 'yung abot hanggang tenga.

Agad niya rin akong niyakap. Rinig ko ang malalim niyang paghinga niya sa tabi tenga ko. "I've missed you more, my love. You just have no idea."

This is worth it. This alone makes it all worth it. Malaman ko lang na masaya siyang kasama ako, wala akong dapat pagsisihan pa. Kaya lulubusin ko na.

***

"Ayusin mo 'yung cap mo," utos ko sa kanya bago kami bumaba ng kotse sa harap ng pinakamalapit na supermarket.

"Yes, boss," sabi niya. "Should I really wear the face mask?"

Inabot ko sa kanya ang itim na facemask na dala namin. Mahirap na kasi, baka may makakilala sa kanya.

"Syempre," sagot ko.

"Ikaw?"

"Hindi naman ako sikat kagaya mo," ani ko. "Wala namang makakakilala sakin eh."

"But..."

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon