Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Seventy Two
.
.
.
[Flashback part 2](Clark)
"Do you love me?" tanong niya pabalik.
"Of course," I answered with desperation.
I'm in love with her. Wala nang halong pagdududa. Kung dati ilag ako sa kanya dahil hindi ko sigurado kung totoo itong feelings ko o nape-pressure lang akong magustuhan siya dahil sa past namin, ngayon, alam ko, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
"Then please let me go."
My world seemed to pause for a minute. Bakit kailangan ko siyang palayain kung mahal ko siya?
"Hindi mo ba naiintindihan, Clark?" sabi niya habang gumugulong ang mga luha sa pisngi niya. "Hindi na tayo katulad ng dati."
"So what? We can still make it work."
"No. We can't. Alam mo kung bakit? Kasi hindi na natin kilala ang isa't isa. Hindi mo ako kilala. Hindi na rin kita kilala. Kaya nangyayari ang lahat ng ito kasi hindi lang ako ang walang tiwala. Pati na rin ikaw."
"Hindi totoo yan, Sky."
"Clark... Naiintidihan ko naman eh. In your head, you've just met me. Kaya alam ko kung bakit hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Kaya hindi mo mai-share sakin ang mga nangyayari sa buhay mo."
"I do trust you," I said. "Mahirap lang kasing--"
"Pero bakit hindi mo sakin sinabi ang plano ng management mo tungkol kay Lexi? Bakit hindi ko narinig mula sayo nang nabago ang plano sa kanta natin, sa concert mo? Bakit hindi mo sakin masabi ang mga nararamdaman mo, mga worries mo, mga problema mo... You could've told me everything. Mas okay sana tayo ngayon. Hindi sana tayo ganito."
"Ayoko lang mas maging mas komplikado ang lahat. Ayokong madamay ka sa mga issues sa trabaho ko, sa career ko."
I wanted to keep her away from that world as much as possible. I didn't want her to see how crazy and chaotic my world is.
"Gets ko naman eh," she said. "Kasi nga hindi mo ko kilala. Hindi mo alam ang mga kaya't hindi ko kayang i-handle. And truth be told, Clark, hindi na rin kita kilala. Alam kong you're the same person pero... You don't have the same life anymore. Pakiramdaman ko ito." She pointed to me and then to her. "Hindi na 'to totoo. We're just stuck in this illusion na pwede pa ring magbalik ang dati, na we can always pick up where we've left off. But we can't. We can't, Clark."
The rain starting to subside. Pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko. I wanted to hug her. I wanted to hold her tight and never let go. Pero... Pero hindi na ito ang gusto niya. She wanted me out of her life and I couldn't even blame her. She's right. We're a mess. Lalo na ako.
"Alam ko--Alam kong sobrang hirap nito para sayo. And I'm very sorry. Pero hindi natin pwede ipilit ang hindi naman na dapat. Hindi na tayo tulad ng dati. Hindi na tayo teenagers na sapat na ang kilig at saya paminsan minsan. We need to know each other, understand each other. Trust each other. I can't fully trust you when you can't do the same for me!"
"Kaya nga magsisimula tayo ulit, 'di ba? Kikilalanin natin ulit ang isa't isa. Sky, sobrang hirap nga nito para sakin pero willing pa rin akong ituloy 'to. Sky, I can't---I can't be without you."
Don't let me go, Sky.
"Kaya mo kasi kailangan. Kasi, Clark, hindi ko na kayang manghula. Pagod na ako. Kahit anong gawin natin iba na ang mundo mo. Iba ka na. Iba na ako. Hindi ko na kayang tanggapin lang kung anong ibinibigay mo. We want the love that we had before... but it's wrong to still expect it from each other."
![](https://img.wattpad.com/cover/77568896-288-k60688.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
RomanceHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...