Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwritesChapter Fifty Three
.
.
.
Cancelled na ang concert na matagal nilang pinagplanuhan.Tinanggal na rin si Lexi sa album.
Balak rin niyang umalis sa management niya...
And it's all because? Ayoko mang isiping na 'yung nangyari samin ang dahilan, hindi ko pa rin maiwasang magtanong. Ako ba ang...
No. Baka merong ibang dahilan. Baka sadyang ayaw na ni Clark. Pero bakit? Alam kong hindi tama ang nagawa ng manager niya nang pilit nitong isiningit si Lexi sa career ni Clark. Kahit ako ayoko nang sila pa ang mag-handle sa kanya, pero he was always tolerant of their antics until now.
Hindi naman siguro binabalak ni Clark na mag-quit na sa lahat, 'di ba? He deserved every single thing he has right now. Kung ano mang mayroon siya as an artist, pinaghirapan niya 'yon and it will be a waste if he'll just throw it all away.
Sobrang dami kong tanong. Sobrang dami kong iniisip. Lalo na... lalo na ang pag-alis niya.
"Aray!" sigaw ko nang madulas bigla ang basong hinuhugasan ko. Nahulog ito at kumalat ang mga piraso nito sa lababo. Nag-iwan rin ito ng isang hiwa sa hinlalaki ko. Pero hindi ko ito ininda. Hindi rin ako natatakot sa dugong lumalabas sa sugat ko kahit noon pa may may takot na ako sa dugo. Kasi may mas nakakatakot na bagay na tumatakbo sa isip ko... Hindi ko na siya makikita ulit.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang daliri ko kasabay nang dahan-dahang pagtulo ng mga luha ko. Pero hindi dahil sa sakit nito. Dahil wala ito kumpara sa sa sakit na kanina ko pa nararamdaman.
Naupo ako sa harap ng dining table hawak-hawak ang kamay ko.
Bakit ba ang malas mo, Sky?! Ang malas malas mo!
Hindi ko maiwasang tumingin sa orasan. It's already seven. Napuno ng kaba ang dibdib ko. Malapit na siyang umalis.
Kaya ko ba talagang mawala siya? Tama ba talagang hayaan ko lang siyang umalis?
... Pero ano na namang mangyayari kapag habulin ko siya, kapag pigilan ko siya... Magiging okay na ba agad? Aayon na ba samin ang mundo? Ayoko nang masaktan ulit.
Tumungo ako sa lamesa. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Gusto ko siyang makita. Gustong gusto. Pero natatakot akong pag nakita ko siya ay ako mismo ang magmakaawa na huwag na siyang umalis.
Ako ang humiling na magkahiwalay kami... Tapos ito na naman ako. Hindi pwede. Tama lang 'to. Kailangan na naming maghiwalay ng landas. Dapat ko nang tanggapin 'to habang maaga pa.
And then my phone vibrated.
'We're already here. Ikaw lang ang wala. Make sure you're making the right decision, Sky.'
-- text ni Aims.
Don't, Sky. Huwag na. Para sa kanya rin naman 'to. He'll be happier without me. Makakahanap siya doon ng walang hassle. Walang issue. Yung kaya siyang tanggapin ng buo. Yung malakas ang loob. Hindi kagaya ko.
In-off ko ang phone ko.
I have to be strong. Kaya ko 'to. I can live without him. I can.
You've waited for him for two years, bulong ng utak ko.
Pero nagawa kong mabuhay dati ng wala siya. Magagawa ko ulit ngayon.
You never stopped waiting for him even when he couldn't remember you.
Hindi ko siya kailangan. Hindi niya ako kailangan.
You still love him.
But love isn't enough.
BINABASA MO ANG
Heartstrings Attached II
Storie d'amoreHeartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all started with a strum of a song, isang hindi inaasahang pagkakakilala ng dalawang taong tila malaki ang pagkakaiba. Pero dahil sumangayon sa kani...