Kung si Nick ay tumatakbo sa nakaraang kabanata, syempre, hindi naman pakakabog ang oras sa kanya. Sprint forward sa partikular na panahong mamamasyal na sila ni Yoongi—sa kalibutan ng New York, sa loob ng isang buong araw. To be precise, pinili pa ng nakatatandang lumuwas sa bisperas ng concert para maniwala 'yong nakababatang gusto lang niyang mag-uwi ng souvenir bago matapos ang Eureka.
At kesa alam man nila pareho o sa hindi, ang totoong dahilan nitong gala e hindi pwedeng lumabas sa kanilang mga bibig.
"Bakit October 13, Yoongi-nim?"
Kakasabi lang e.
"Pwede namang kahapon, o kaya no'ng isang kahapon, o isang-isang kahapon. Bakit ngayon pa?"
Nakakatakot at lumalapit na 'yong mukha ni Nick. "Napag-usapan na nating ako 'yong bahala sa kailan kaya 'wag ka nang magtanong. Tsaka, ikaw nga 'yong dapat na tinatanong e: Sa'n mo 'ko dadalhin at bakit? Malay ko kung ipadukot mo 'ko o ano..."
"Hindi naman po Yoongi-nim! Don't worry, be happy!" mapagmalaki pa niyang sagot. "I will just take you 30 miles around New York!"
"30 miles around New York?" Ngumisi siya, "E ba't ang layo naman?"
"Kasi, pinagplanuhan ko 'to." At dahil rin do'n kaya tuwang-tuwa si Yoongi mag-sightseeing sa sasakyan. "Nag-iipon ka ng souvenir, 'di ba? E 'di dapat, pumunta tayo sa mga kasouve-souvenir." Tinaas pa ni Nick ang camera-ng nakasubkit sa leeg niya, "Ako rin magiging photographer mo ngayon kaya naghanap ako no'ng mga babagay na settings para sa'yo."
"Pareho lang tayong naggagala; wala 'kong kinukuhang photographer ah. Papatungan mo pa yata ng bayad 'yan e. Tsk, alam ko na talaga 'yang paandar mo." Sabay takip sa bulsa niyang may wallet. "Kidnap na, holdap pa; pambihira."
"Mas pambihira ka, Yoongi-nim! Nagpa-practice lang naman ako ng mga sideline ko. Tingnan mo, ako rin magiging tour guide mo ngayon! Sige, tingin ka do'n! Tigamo." Tinuro niya ang MetLife Stadium na tanaw sa 'di-kalayuan. "Alam mo bang do'n nagre-rehearse ang Bangtan Sonyeondan, NERVE, at Big Hit family? Kasi ako, oo! Kaso nga lang, tapos na 'yong schedule nila, kaya sayang, 'di mo sila naabutan!"
Tumugon din si Yoongi ng malungkot na ekspresyon, "Pero gusto kong ma-kiss si Suga-oppa!"
"Nako!" Pumitik pa siya, "'Wag kang mag-alala kasi pwede mo pa naman silang makita bukas sa D-Day ng Eureka! Bumili ka lang ng ticket para mapanood silang mag-perform—buhay na buhay sa stage! Price starts at 1,000 dollars, kaya ano pang hinihintay mo? Kuha ka na sa'kin!"
"Tangina." Oo Yoongi, gets ka ng mga team bahay. "Ang mahal naman! Kurakot siguro 'yong mga artista diyan, lalo na 'yong maknae ng NERVE? Tsk, may mga nababalitaan ako do'n e."
"Grabe ka sa'kin, Yoongi-nim!"
"Grabe ka talaga! Ang galing mo e; photographer na, tour guide pa, reseller pa! Yayaman ka talaga, Nick-iya!"
"Hindi pa ba?" Tatawa na sana siya nang matigil ang mga mata niya sa isang tanawin banda kay Yoongi. "Yoongi-nim, gusto mo bang lumangoy?"
"Langoy? Ayoko!" Halatang-halata rin sa coat at scarf na suot niya. "Bakit? Diyan tayo pupunta?"
"Hindi. Nagbakasakali lang ako kung naghanda ka." Binuksan niya ang phone at inekisan ang waterpark na nasa unang linya ng listahan. "Joke-joke lang kasi 'to ni Lider-nim kaya hindi sila kasama sa mga pupuntahan natin. Maglalakad-lakad tayo tsaka kakain sa unang stop."

BINABASA MO ANG
We're not Happy Family
FanfictionSa nakatakdang pag-disband ng BTS ay hinanda sila ni PD-nim na maglakbay sa buong mundo para isakatuparan ang isang joint farewell concert kasama ng NERVE na kanilang juniors. Subaybayan ang mga bida sa pagbuo ng samu't saring kwento ng katatawanan...