WNHF 66: Binalewala mo 'ko dahil sa kanya

22 0 0
                                    

"Paglubog ng araw ng kahapon, magpapaalam sa umagang natapos~"

Pagsapit ng dilim ay asahang may sisikat ring bagong bukas.

Kinabukasan, kahit medyo puyat pa e narito nanamang nagre-rehearse ang katorse sa lahat ng kanilang makakaya. Ang kaibahan nito sa ibang rehearsal no'ng mga nakaraang buwan e susubukan na nilang gawin ulit ang full version ng Eureka—'yong pang-last performance level na talaga!

Iba ang dalang hiwaga ng nenengmyeon sapagkat kasama na nilang mag-perform si Jin para sa huling pagkakataon. Ibig sabihi'y wala na ang guitar solo na na-master niya na sana, pero ayos lang dahil ang mas magandang pumalit do'n e 'yong pwede na siyang kumanta at sumayaw!

"'Di ka na malulumbaaay~!"

Sabay may pa-lifting sila Jungkook kasama ni Nick na mga nagbuhat sa kanya.

Muntikan pang matamaan si Hayoon, "Mag-ingat kayo!"

"Ang mga tala'y nagbabago ng kulay, naliliwanagan ang bagong yugto ng buhay~"

Tamang ikot lang din si Taehyung para makadaan si Dania, "Samahan mo 'kong maglakbay~"

Chorus nanaman pero naka-second voice na si Jin!

"Pagsapit ng dilim ay natagpuan ko~" Nag-thumbs up pa sa kanya si Mitch bago sila magpalit-palit ng pwesto.

Tuloy ang pangalawang ulit ng chorus hanggang sa umabot sila sa huling formation—kumalat sa iba't ibang sulok ng stage at maghiwalay sa dulo ng kanta.

"Sa bukas, sa bukas, sa bukas~"

Sigaw nilang lahat, "'Di ka na malulumbay!"

"Sa bukas, sa bukas, sa bukas~" Magkasabay muli si Jayoon at Hoseok. "'Di ka na malulumbay~"

"Paglubog ng araw ng kahapon~" Huling mga sandali na 'yon ng pag-awit ni Jin kung tutuosin. "Sa bukas, sa bukas, sa bukas~"

Saktong naro'n na si Jimin sa gitna. "Yeorobun... Yeorobun!"

At 'yon na ang kanilang rehearsal!

"Woo!" Umalingawngaw sa stadium ang mga nagpapalakpakang sound effect habang pina-practice ng mga bida ang kanilang grand exit.

"Tangina ng mundo!" At nagtawanan ang kababaihan sa pa-shawrawt ng kanilang Dania-unnie.

Tanong ni Mitch nang naka-mic, "Anong sasabihin ko? Anong sasabihin natin?"

"Oh, may hindi gumagawa ng assignment!" sagot din ni Hayoon nang naka-mic.

"Resign na resign na si Michiko-unnie!" Biro pa ni Nick, "Nagbabakasyon na 'yong utak!"

"Alam na kung kanino 'yong paghahatian nating sweldo!" Ang mga tawanan e nadala pa nila hanggang sa backstage, salamat kay Fei na nilaglag pa ang sarili niyang kagrupo. "Joke lang, Mitch-iya! Alam mo namang love ka namin! Pa-kiss nga—muah!"

"Jusko." Balik kay Nick, kung siya ang tatanungin ay dalawa talaga ang ibig sabihin niyang kanyang jusko.

"Nagmamahal ka lang naman 'pag maraming pera 'yong tao!" Una e 'yang walang-humpay na kalokohan nila Mitch.

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon