WNHF 2: Entrada at labas sa asul

123 6 26
                                    

E 'di bukas na bukas nga.

Bandang alas-sais ng gabi 'yon nang mamataan nilang nakaabang sa tapat ang Bangtan at may dalang mga bagahe—pisikal at mental. Medyo nawala lang ang bigat dahil nalalanghap na nila ang bango ng hinahandang pagkain ni Dania, Hayoon, at Mitch mula sa kusina.

"Good evening, sunbaenims! Tuloy kayo!" Si Jayoon na nagbukas no'ng gate ang unang sumalubong ng bati sa kanila. "This is the NERVE house, where all creatures—big and small—are welcome. Please make yourselves comfortable."

"Kagaya mo ba, ha?" Tinugunan siya ni Hoseok ng tawa nang ituro 'yong kanyang binting nababalutan pala ng kung anong berdeng malapot na substansya.

"Hey! Maghapon ko na ginagawa 'tong organic cream ko! This is my third experiment!" nakanguso niyang depensa. "Tsaka, napag-utusan lang ako ni Leader-unnie na sabihin 'yon, so..."

"So 'di talaga kami welcome at comfortable, Jayoon-ah?"

Kiniliti niya pa ito sa tagiliran, "No! I mean—"

"Gano'n ba? Ha?" Sabay hawak sa kamay niya para akayin ang isa't isa papasok ng bahay. "Joke lang... Nagagalingan nga 'ko sa'yo e..."

"Nagkita tayo ulit, yeorobun!" Sa kabilang banda e napabati na pala si Jimin dahil siya ang buena manong nakaapak sa loob.

"Ah, kung ngayon lang sana nakipagpustahan sa'kin si Nick-iya, e 'di mananalo dapat siya." malumanay namang pambungad ni Fei nang umalis sa pagkakatanim ng kanyang sarili sa sofa. "Welcome to our disband party, sunbaenims! Ilapag niyo muna 'yang mga gamit niyo at mamaya na natin ayusin lahat. Para kasing luto na 'yong hapunan do'n kaya kumain muna tayo!"

"Eyyy!"

At sa gano'n nga ginugol ng katorse ang unang sandaling nagkasama sila sa iisang bubong. Pagkalapag agad ng unang pagkain e nasugod na ang lahat sa mesa upang maghanap ng mauupuan. Sakto dahil long table sila't may katorseng upuan! (Basta kunwari'y hindi nila sinadya 'yong long table.)

"Sobrang effort nito, Mitch-iya! Pang-Most Beautiful Woman in the World nga!" masayang sabi ni Namjoon tsaka pumugay ng mabilis na yukod.

"Mas masarap pa rin ako, syempre." proud pang biro ni Jimin na nakatanggap nanaman ng mabubulong na batikos kay Yoongi at Taehyung.

"Guys, don't be shy, eat all you can, feel at home. Ganyan na tayo sa mga susunod na araw." dagdag ni Hayoon. "Let's do our best to relax and enjoy while we're here, okay?"

"Don't be shy, eat all you can... feel at home?" bulong naman ni Jungkook sa sarili. "Walang hiya, kain nang kain, feeling nasa bahay?"

E kung si Jungkook lang din ang pag-uusapan, naalala nga nila no'ng sa restaurant makaraan e nahampas ang kamay niya bago siya nakakuha ng pansit. 'Yon ang dahilan kung bakit wala munang gumalaw ng kahit ano sa hapag at hinintay nilang makarating si Fei sa kabisera. Matapos magdasal e nag-transform uli sila sa pagiging mga patay-gutom, at hindi na nakapagtataka dahil sobrang sarap ng baeksuk na star dish nila no'n.

Pagkatapos ng pangmalakasang hapunan intro e nagtipon ang katorse sa sala para magpulong sa kanilang main event—ang magiging sitwasyon ng sleepover!

Kaya hindi na nagpatumpik-tumpik si Fei at sinimulan nang manalumpati sa harap no'ng mga nasa sofa bilang siya ay leader-nim at ang host ng gabi. "Pwede naman kaming magsiksikan sa ibang kwarto tapos gano'n din kayo, pero depende pa rin sa inyo... Gusto niyo ba, mag-roommate-roommate na lang tayo?"

We're not Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon